KUNG may pumuri sa Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda matapos niyang ibandera ang P2 million offer daw sa kanya ng isang presidentiable kapalit ng pagtu-tweet niya tungkol sa nasabing kandidato, marami rin ang bumabatikos ngayon sa kanya.
May kahambugan at kaangasan daw kasi ang tono ng mga pahayag ni Chito sa pamamagitan ng social media. Masyado raw nitong i-pinagyayabang ang pagkuha sa serbisyo niya ng sinasabi niyang presidentiable pero ayaw naman niya itong pangalanan.
Kaya ang paniniwala ng maraming netizens gawa-gawa lang ito ng singer para mapag-usapan at magpataas ng presyo sa mga kandidatong tatakbo sa 2016. Hindi rin daw sila naniniwala na mangangampanya si Chito sa isang presidentiable ng libre.
Sa kanyang Instagram account muling nag-post ang asawa ni Neri Naig ng tungkol sa P2 million na in-offer sa kanya kapalit ng pagtu-tweet ng magagandang balita tungkol sa tinutukoy niyang presidentiable.
”I’m pretty sure that my opinions aren’t worth P2M. But my integrity is intact, and people are aware of that, and that is worth a lot more than 2 million bucks,” anito.
Nagbigay din siya ng kanyang saloobin tungkol sa mga naging kaganapan sa naganap na filing of certificate of candidacy (COC) para sa upcoming 2016 elections.
Umabot sa mahigit 130 ang nag-file ng COC sa Comelec kabilang na riyan sina Sen. Miriam Defensor Santiago, Vice President Jejomar Binay, Liberal Party standard bearer Mar Roxas, at Sen. Grace Poe.
Binigo naman ni dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang supporters nang magdesisyon itong huwag nang tumakbo sa panguluhan.
Sa mga naging IG post ni Chito sinabi nitong kaibigan niya ang son in law ni Binay at malapit naman daw si Roxas sa kanyang tiyuhin. “They both understand, however, that this is not simply about friendship.
It is about who I think is most capable of improving the current state of our country. Gusto ko sana si Duterte pero di naman tumakbo.” “Pero honestly, mas trip ko sana si Miriam pero pinag-aaralan ko pa why she chose Bongbong.
She must know something that I don’t and I’m pretty sure that she’s a lot smarter than I am. “She wouldn’t have chosen him if she felt that he wasn’t the right choice. I’ve read about his accomplishments and modernization projects, and I must admit, they are very impressive regardless kung pro or anti-Marcos ako.
Pero sa ngayon, parang mas trip ko si Cayetano or si Robredo. “Cayetano seems to know all the right questions to ask whenever may ginigisa sila sa Senate. While si Robredo naman, seems super matino and trustworthy, and sa panahon ngayon, for me, that may be enough.
“Anyway, since wala si Duterte, tingin ko it’s time for Plan B. Goodluck sa ating lahat! God bless the Philippines.” Ayon naman sa isang basher ng Parokya Ni Edgar frontman, “Kailangan talagang ipagsigawan nya na may P2 million involved?
Bakit ganun ba sya kasikat? Kung ako naman ang kandidato di ko yan kukunin…bukod sa kumalat na video scandal nya noon di na rin sya sikat now. And one more thing kung totoo talaga na may offer sa kanya we challenge him… name names.”