Makapag-aasawa pa ba sa edad na 43?

Sulat mula kay Nene ng San Agustin St., La Carlota City,  Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,
Sa darating na November 7 ay 43 na ang edad ko na hindi man lamang nakaranas magka-nobyo. Kaya naman sa tuwing magsisimba ako at sa gabi bago matulog ang laging dinadasal-dasal ko ay matagpuan ko na sana ang lalaking inilaan sa akin ng kapalaran. Pero sa ngayon parang nawawala na ako ng pag-asa kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Gusto kong malaman kung sa edad ko bang ito ay may chance pa kaya na makapag-asawa ako o sadyang nakalaan na sa akin ang tumandang dalaga na lang habang buhay. Kung makapag-aasawa pa ako sana ay malaman ko rin kung kailan darating ang lalaking mapapangasawa ko, at ano ang kanyang palatandaan? Kung hindi naman, maluwag sa loob ko na lang tatanggapin ang aking kapalaran at ihahanda ko na ang aking sarili sa pagtandang dalaga habang buhay.

Umaasa,
Nene ng Negros
Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Huwag kang mawalan ng pag-asa Nene, dahil kahit na papaano salamat naman at nagkaroon ng malinaw na Marriage Line o Guhit ng Pag-aasawa (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kahit pa tumuntong ang edad mo sa 43 o kaya’y 44 years old, tiyak ang magaganap sa takdang panahong inilaan, makapag-aasawa ka pa rin at makakaranas pa na ikasal.
Cartomancy:

Ang King of Clubs, Queen of Spades at Ace of Hearts (Illustration 1.), ang nagsasabing sa kabila ng sakbibi ka ng kalungkutan at kawalang pag-asa sa ngayon, umasa kang sa susunod na taong 2016 sa buwan ng Enero, isang lalaking halos kasing tanda mo rin ang mahuhulog sa langit – sa hindi inaasahang sandali at pagkakataon, biglang magku-krus ang inyong landas, magiging magkaibigan kayo hanggang sa ikaw ay kanyang ligawan at sa bandang huli ay tuluyan ka na rin niyang aalukin ng kasal.
Itutuloy….

Read more...