Na-shock ang asawa ni Aiza Seguerra na si Liza Diño sa desisyon ng kanyang amang si Martin Diño na tumakbong pangulo ng Pilipinas sa 2016.
Si Martin Diño na dating chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ay nag-file ng kanyang COC noong Biyernes (sa ilalim ng PDP-Laban) sa main office of the Commission of Elections sa Maynila.
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Liza ng litrato ng kanyang tatay na may caption na: “So my father decided to run for president. #stillinshock!”
Pero ayon sa ilang political analysts, ang pagpa-file ng COC ni Diño bilang presidentiable ay isang strategy lamang dahil naniniwala sila na eventually ay papalitan din ito ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na dating member ng party.
Pero sa panayam kay Duterte sinabi nitong, “Wala nang substitute-substitute. Hindi naman ako pang substitute eh, pang-original ako, bakit ako gawing substitute?”
Kamakailan ay nagpahayag din ng suporta si Chito Miranda kay Duterte, tinanggihan pa nga raw niya ang P2 million offer ng isang presidentiable kapalit ng pagtu-tweet tungkol dito.