Maja payag maging dyowa si Coco: Pero depende pa rin yan sa kanya!

coco martin

Hindi si Coco Martin ang palaging ka-text ni Maja Salvador. Ibinuking kasi sa amin ni Direk Malu Sevilla, ang direktor ng serye ng dalawa na Ang Probinisyano, na wala siyang nakikitang ka-text ang aktor kapag magkasama sila sa taping o sa kahit anumang lakaran.

Sa nakaraang “Majasty Concert” presscon ni Maja ay nabanggit ng aktres na may ka-text siya parati pero ayaw niyang banggitin kung sino. At dahil close sila ni Coco at inamin din naman ng Ang Probinsiyano leading lady na napapasaya niya ang aktor, baka raw in-assume lang ng iba na sila ang laging magka-text.

Timing naman na nakasalubong namin si direk Malu sa hallway ng ELJ Building ng ABS-CBN pagkatapos ng “Majasty” presscon kaya natanong namin kung kumusta sina Maja at Coco sa set ng Ang Probinsiyano.

“Kulitan sila, tawanan kapag hindi kami nagro-roll, masaya kasi sa set namin, lahat kami, masaya. Magkakaibigan kasi silang lahat,” kuwento ng direktor.

Wala ba siyang napapapansing kakaibang kilos ang dalawa? “Wala naman, parang wala talaga kasi si Coco, puro trabaho ‘yan, hindi mo nakikitaan ng iba, seryoso ‘yan sa trabaho.

Wala namang kilig akong nakikita kasi si Coco focus sa trabaho niya,” sabi ng direktor. Hindi lang daw sa taping nakakasama ni direk Malu si Coco, “Kapag hindi kami nagte-taping, magkakasama pa rin kami like may pre-prod.

Saka si Coco, hindi yata natutulog, kasi bukod sa Probinsiyano, nagsu-shooting pa sila ni Vice (Ganda) para sa MMFF nila, so technically, walang oras ‘yan, kung mayroon man, ipapahinga na lang niya.

“Minsan nga, dalawang oras lang na tulog, okay na siya, pinagsasabihan ko nga, ‘Coco, matulog ka nga,’ sagot ba naman sa akin, ‘Sayang ang oras direk, itatrabaho ko na lang.’

“Di ba, matanda mag-isip, ganu’n siya kaya feeling ko walang lovelife talaga si Coco,” ani direk Malu.
Samantala, binati namin si direk Malu sa consistent high rating ng Ang Probinsiyano na paganda nang paganda ang istorya, “Ay sobrang salamat nga talaga sa lahat ng suporta at sa mga nanonood gabi-gabi, grabe kung alam n’yo lang kung anong hirap namin, sobra as in,” umiiling na sabi ng direktor.

Hindi na kami nagpakuwento kung anong klaseng hirap ang binabanggit ni direk Malu dahil kitang-kita naman talagang mahirap ang taping na karamihan ay big scene at action serye ito kaya ganu’n.

Samantala, inamin naman ni Maja na open siya sa anumang posibilidad sa pagitan nila ni Coco, “Oo, open kami. Pero hindi ko pa maano, hindi pa kasi ako nagtutuluy-tuloy sa Ang Probinsyano, e.

Pero ayokong magsalita ng tapos, tingnan natin. Depende ’yan kay Coco kasi siyempre babae naman ako.”  Dagdag pa ng dalaga, “Yung friendship kasi namin ay sobrang honest, kaming-kami sa isa’t isa. Yung kaya naming barahin ang isa’t isa, yung hindi kami artista sa isa’t isa, yung ganu’n.”

Feeling ba niya may nararamdaman din si Coco para sa kanya? “Baka sabihin naman niya, feeling ako. Wala, nakakatuwa lang na kapag nagkikita kami, ang gaan naming dalawa palagi. Parang masaya lang kaming dalawa kapag magkasama.”

Read more...