RICHARD, SARAH magdyowa na

SO, totoo na nga na magdyowa na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Nagsimula raw ang lahat nang gawin nila ang kanilang teleseryeng Makapiling Kang Muli.

Sa Instagram ni Richard kung saan naka-post ang napakaraming larawan nila ni Sarah nang magbakasyon sila sa Le Grand Bornand, France, kitang-kita ang kaligayahan sa kanila.

In fairness, noon pa naman kumalat ang sinasabing relasyon nina Richard at Sarah, kahit noong umeere pa ang kanilang serye ay balitang-balita na ang kanilang relasyon.

Pero ngayon lang umamin ang aktor.

Ayon pa kay Richard (sa kanyang Twitter), “I wandered everywhere through cities and countries wide, I realized now that I’m happiest just here by your side.”

Read more...