Karla kinumpirmang may ieendorsong presidente at senador si Daniel

daniel padilla

Marami ang pumupuri sa acting ni Daniel Padilla.

Regular televiewers of Pangako Sa ‘Yo were one in saying na nag-improve na nang malaki ang acting ni Daniel. Sa kanyang dramatic scenes ay talagang bigay na bigay siya, damang-dama mo ang acting niya.

Sadly, hindi raw nakakasabay sa acting department itong si Kathryn Bernardo. Lumalaylay raw ang mga eksena kapag siya na ang umaarte. Sablay raw ito sa kanyang dramatic scenes.

Ang isa pang observation ng marami, kapag napaghiwalay ang love team nila ay tiyak na si Kathryn ang magsa-suffer. Nakakatayo kasi si Daniel sa kanyang sariling paa habang si Kathryn ay nabubuhay lang bilang anino niya.

Well, may katotohanan naman ang observation. Sikat na sikat si Daniel. Kaliwa’t kanan ang kanyang shows, soldout ang concerts niya kahit na sabihin nilang hindi naman talaga siya singer.

Matatagalan pa bago makaporma ang gustong umangkin sa kanyang trono. Meanwhile, mismong nanay na ni Daniel na si Karla Estrada ang nagkumpirma na may isang presidentiable at senatorial candidate na ieendorso ang anak.

Pero hahayaan daw niyang si Daniel ang mag-announce kung sino ito. Talaga raw pinag-isipan ito nang husto ni Daniel dahil first time siyang boboto sa 2016 elections.

Read more...