Horoscope, October 17, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Tama lang ang iyong ginagawa, ipagkaban ang mga bagay na inaakala mong tama. Sa pag-ibig at pinansyal, basta’t magpakabait ka lang tuloy-tuloy ang agos ng suwerte at pera. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Gold at green ang buenas
Aries – (Marso 21-April 19)— Minsan kailangan mang-uto upang makuha ang iyong gusto. Sa pag-ibig, hayaan ang kasuyo ang magpasaya sa mga bagay na may kaugnayan sa romansa. Sa pinansyal, utuin ang kliyemte upang kumita ng malaking halaga. Mapalad ang 3, 15, 27, 35, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Beesa-Beeajaa-Om.” Blue at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Mas masarap ang feeling kong lagi kang nakangiti. Haluan ng saya ang pakikipagtransaksyon upang kumita ng mas maraming pera. Sa pag-ibig, imbis na ang kasuyo ang laging nagpapatawa, ikaw naman ang kumiliti sa kanya. Mapalad ang 6, 15, 21, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Vinda-Rama.” Red at orange ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Hindi ka mauubusan ng pera, pero hindi mo naman dapat itong lustayin na lahat sa kaibigan. Sa pag-ibig, “stick to one” ang dapat upang habang buhay na lumigaya. Mapalad ang 1, 8, 19, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Gayatri-Om-Savitra.” Silver at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Kung aalisin lang ang yabang sa katawan, mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, minsan hindi masamang sundin ang suwestyon ng kasuyong kuripot. Panahon na upang magtipid at pag handaan ang paskong darating. Mapalad ang 2, 16, 37, 44, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhavantu-Madhu-Om.” Beige at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Iwasang makipagtransaksyon sa mga taong mahina ang utak, mapapa-away ka lang sa kanila. Sa pag-ibig, kalimutan na ang kasuyong mapagtanim ng sama ng loob. Magahanp ng bagon mamahalin sa katauhan ng isang Aries. Mapalad ang 5, 19, 28, 32, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shava-Bhuva-Om.” Purple at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Kapag ituring mong ito na ang huling araw, mas madali kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, dahil ito na ang huling araw, ipadama sa kasuyo ang pinaka-masarap na romansa. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa negosyo, haluan ng pagmamahal ang iyong produkto at serbisyo. Mamayang gabi, palasapin ang kasuyo ng pinaka-matamis na halik, sabay sabing “I Love you Mahal!” Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babatiin ko ang araw na itong puno ng pag-ibig ang aking puso!” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Panahon na upang mamolitika. Sa labas ng bahay mas marami pagkakataon upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, pagdating ng gabi, yayain ang kasuyo na matulog kayo ng maaga. Mapalad ang 2, 16, 25, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Shiri-Mantra-Yantra-Om.” Green at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Parang kamoteng baging ang mangyayari sa aspetong pananalapi, habang tinatalbusan lalo pang lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, mamayang gabi bigyan ng big surprise ang kasuyo, habang natutulog bulagain siya ng isang matamis na halik sa labi! Mapalad ang 4, 9, 18, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Nada-Vagisa-Om.” Pink at red at buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pag-iwas sa lipunan mas malaking halaga ng salapi ang iyong kikitain. Imbis na makisawsaw sa mga isyu na may kaugnayan sa magulong politika, mag-concentrate sa pamilya. Sa piling nila mas makakadama ng kumpletong ligaya. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-Heh-Vau-Weh.” Yellow at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa pag-ibig mas magiging maligaya kung hahaluan ng isip ang iyong pakikipag-relasyon. Sa pinansiyal, wag ubusing lahat ang ibinibigay ng kasuyo, magtabi ka para sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 4, 16, 23, 25, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Kali-Japa-Om.” Green at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Hindi dapat panghinaan ng loob. Pagkakataon muna upang magwagi. Sapamamagitan ng sugod at tapang uunlad at yayaman ka. Sa pag-ibig, hindi masamang pumayag sa hinihingi ng kasuyo as long na doon kayo kapwa magiging maligaya. Mapalad ang 7, 8, 11, 37, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raya-Om.” Red at lilac ang buenas.

Read more...