Iniintriga sina Heart Evangelista at Sen. Miriam Santiago ng mga netizen. Hindi raw kaya masira ang magandang relasyon ng dalawa nang dahil lang sa politika?
Bukod kay Heart, alam ng lahat na malapit ding magkaibigan sina Miriam at Chiz. Pero sa 2016 elections, hindi ang mister ni Heart ang susuportahan ni Miriam sa pagka-vice president kundi ang ka-tandem niyang si Bongbong Marcos.
Isang follower ni Heart sa Instagram ang nagtanong kung posible bang maapektuhan ang relasyon nila ni Miriam ang dahil sa politika, pero sey ng Kapuso actress, Sen. Santiago will always be her “second mom.”
Ani Heart sa kanyang IG post, “I stand by my husband. My relationship with Tita Miriam is beyond all of ‘this.’ She will always be my second mom.”
Kung matatandaan, sinabi ni Heart na si Miriam ang nagpakilala sa kanila ni Chiz, ito’y naganap ilang buwan matapos silang maghiwalay ng Brazilian-Japanese actor-model na si Daniel Matsunaga, na boyfriend na ngayon ni Erich Gonzales.
Samantala, handang mangampanya si Heart para sa asawang si Chiz. Ready naman daw siyang magsakri-pisyo para makasama sa campaign sorties ng senador.
Pero sabi nga ni Chiz, matutuwa siya kung makaka-join sa kanya ang kanyang misis pero hindi naman niya ito inoobliga dahil alam naman niyang marami rin itong commitments sa showbiz.