Contribution sa SSS ihihinto

SUMULAT po ako sa in-yong column sa Aksyon Line dahil hindi ko po alam ang aking gagawin. Ako ay may maliit na advertising company, single proprietorship, na may tatlong empleyado. May dalawang taon pa lamang ito sa operasyon, pero dahil sa medyo tumumal ang negosyo at sa gusto ko na rin sanang magtrabaho sa ibang bansa ay naisipan ko na lang na isara ito.

Ano po ang dapat kong gawin lalo na at dalawang taon din akong nagbayad sa SSS? Kaila-ngan ko bang i-inform ang SSS o huwag na lang? Mayroon po ba akong dapat bayaran?

Salamat. Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan.

Salamat

Leslie

REPLY: Para sa iyong katanungan, Ms. Leslie, mahalagang abisuhan ang SSS na isinara mo na ang iyong kumpanya upang mahinto ang contributions ng mga empleyado mo dahil kung hindi ay lalaki pa ang adjustment at magkakaproblema pa.

Pinapayuhan ka rin, Ms. Leslie, na magtungo sa pinakamalapit na sangay ng SSS at mag-fill-up ng R8 form o termination of notification form.

Wala ka namang babayaran, kinakailangan laman na agad na abisuhan ang SSS.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan

Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer,Media Affairs Department
SSS
System

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Bi-yernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...