KINIKILALA ng matuwid ang karapatan ng mahirap, ngunit ito’y balewala sa taong sukab. Iyan ang Kawikaan 29:7, mula sa aklat ng kalipunan ng mga turong pangmoral at pangrelihiyon, tumatalakay sa mga bagay na praktikal at pang-araw-araw. Ang kasabihan ay may mala-lim na kaalaman at hindi simbabaw ng nagyayabang na nasa daang matuwid siya, sila.
Huwag kalilimutan ang pagpapatalsik kay Renato Corona. Mayorya sa mga senador ang nasuhulan sa moro-morong ito. Nakangiti (siyempre, nasuhulan nga) na naman sila at tatakbo sa halalan. Huwag ding kalilimutan si Kiko Pangilinan. Siya ang dahilan kung bakit dumami ang batang kriminal. Kung biktima kayo ng batang kriminal, si Pangilinan ang may pakana niyan.
Magandang pangitain na tatakbo pagka-senador ang tunay na mga pulis na sina Romeo Maganto at Samuel Pagdilao, na kapwa humawak ng presinto, istasyon at distrito, di tulad ni Panfilo Lacson. Alam nina Maganto’t Pagdilao ang maling batas ni Pangilinan, na ngayon ay tinagurian ng mga pulis na protektor ng mga batang kriminal. Dahil sa batas ni Pangilinan, maraming buhay ang nalagas, ari-ariang nawala.
Kapag nanalong pa-ngulo si Mar Roxas ay ipakukulong na ba niya ang bida ng Liberal na si Alfonso Umali Jr., na nahatulan ng Sandiganbayan ng 10 taon kalaboso? Kung hindi niya ipakukulong ito para maisakatuparan na ang hatol ay kakanlungin ba niya ito ng hanggang a-nim na taon? Tunay na ang hustisya ay para sa mayaman lamang at hindi sa mahirap.
Kung hindi haharangin ng Korte Suprema at magiging pangulo si Grace Llamanzares, napakalaswang isipin na ang First Gentleman ay Kano. Mantaking Kano ang magpapatupad ng ilang gawain sa Malacanang kahit na ang mga ito’y seremonya lang. Kano rin ang kakatawan kay Grace sa mga pagtitipong dapat daluhan. Kano rin ang kakausapin ng mga Pinoy na may transaksyon kay FG (siyenganaman, di na sila pupunta ng US).
Sunud-sunod na ang raid ng mga pulis, lalo na ang CIDG, sa mga drug den at tiangge. May matitino pa rin naman sa PNP. Ang mga raid ay isinagawa nang mawalan na ng proteksyon sa mga politiko ang ilang talipapa ng shabu. Kaya bang lusubin ng CIDG ang Balwarte at Tala sa North Caloocan? Nasaan ang sinasabing masigasig na mga ahente ng PDEA?
Panay ang asphalt overlay ni Rep. Recom Echiverri sa pangunahing mga kalye sa North Caloocan, at siyempre, nakapinta sa mga pader ang kanyang pangalan, na nagbago na ng kulay at nawala ang bigotilyo. Ang asphalt overlay ay isinagawa ilang buwan bago ang halalan, at hindi noong pag-upo niya sa puwesto. Aspalto, hahakot ng boto?
“Magnanakaw!” ang bukam-bibig ni Alfredo Lim. Sa sigaw na “magnanakaw,” naniniwala siyang makababalik siya sa City Hall. Kaya naman, kayod ang mga parlorista ni Erap para kontrahin sa media ang salitang “magnanakaw.” Maaga pa ay nagkakapikunan na ang dalawang matanda. Teka, mali raw ang tawag na matanda, kundi nakatatanda. Eh paano yung walang pinagkatandaan?
Sana’y kuryente ang narinig ko na humina si Erap sa Maynila dahil hindi na niya kakampi ang malalaking negosyante sa pier. Dahil kay Erap, nalugi ang mga negosyante sa pier. At hindi na rin bagyo si Erap sa San Juan. Malakas ang dating ng anak ni Ronnie Zamora at malamang na matalo si Guia. Kapag natalo, nakahulagpos na ang San Juan kay Erap. Inihahanda na ang Bagong San Juan.
Nilunod na ng politika at kampanya sa elek-syon ang P2,000 umento para sa SSS retirees. Lu-mabo na rin ang umento nang palagan ito ni Juan Ponce Enrile, na natakot na malulugi ang SSS kapag ipinatupad ang umento. Hindi bibigyan ng umento ang SSS retirees pero ang sugarol na mahihirap kuno ay dinagdagan pa ang CCT (Conditional Cash Transfer). Bumabaha talaga ang pera ngayon.
MULA sa bayan (0916-5401958) : Rambulan na ang politika sa Bicol. Nasaan si Charlene Gonzales? …4599
Kami ay Yolanda victims. Tatanggapin namin ang pera ni Mar pero hindi siya ang iboboto namin. …1660
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.