Jennylyn pumayag nang makipag-date kay Sam

JENNYLYN MERCADO AT SAM MILBY

JENNYLYN MERCADO AT SAM MILBY

NAPANOOD na namin ang pelikulang “PreNup” nina Sam Milby at Jennylyn Mercado na idinirek ni Jun Lana under Regal Entertainment at talagang humagalpak kami sa katatawa.

Bagay sina Sam at Jennylyn bilang isang komedyana at isang seryosong guwapo. Kuwento ng isang dalaga na lumipad patungong New York City, USA para makilala ang biological father at umaasang doon na rin siya maninirahan at mabago ang buhay niya pero hindi nangyari ang inaasam ni Jennylyn bilang si Wendy dahil hindi siya tanggap ng asawa ng tatay niyang Kano.

Samantalang si Sam bilang si Sean ay pabalik-balik lang ng New York dahil sa photo exhibit business niya at nagkataong nagkasabay silang umalis ni Wendy at dahil sa pagmamadali ay nabangga ng kotse ng aktor ang sinasakyan ng aktres at dito na sila unang nagkakilala.

Hindi naging maganda ang tingin nina Sean at Wendy sa isa’t isa dahil nga sa banggaang nangyari bukod pa sa nagmamadali sila dahil baka mahuli sila sa flight at destined talaga silang magkakilala ng husto dahil magkatabi ang upuan nila sa eroplano. Dito na magsisimula ang masalimuot ngunit makulay na pag-iibigan nila.

Kasama rin dito sina Freddie Webb, Jaclyn Jose, Gardo Versoza, Dominic Ochoa, Neil Coleta, Ella Cruz, Natalie Hart at Melai Cantiveros.

Pagkatapos ng advance screening ay nakausap namin ang dalawang bida at aminado sila na habang pinapanood nila ang pelikula ay nagtatawanan sila at kinikilig.

Sabi ni Jennylyn, “Kinilig ako sa totoo lang. Panay nga ang siko ko kay Sam, nakakatuwa!”

At sa tanong kung kumportable na ang aktres na nagpapatawa siya sa pelikula, “Actually, ngayon ko nga lang nadiskubre na marunong pala akong mag-comedy, kasi ‘yung ‘English Only Please’, first comedy role ko, sabi ko, subukan ko nga. Tapos ito nga, ‘PreNup’, kaya ko pa rin pala magpatawa,” kuwento ni Jennylyn.

Hindi naman halos makapagsalita si Sam sa kakatukso namin kung kailan niya yayayaing mag-dinner date si Jennylyn dahil sabi nga ng aktres, “E, kasi busy siya sa taping ng series niya, dami niyang work.”

Hirit naman ng aktres, “Hanggang November na lang naman, by December okay na ako, puwede na akong kumain nang kumain, puwede mo na akong yayain.”

Sagot ni Sam, “O sige, mag jujitsu at muay Thai muna tayo after that dinner na, deal ‘yan,” na agad namang inoohan ng aktres.

Nakakaloka, ibang klase ring mag trip ang dalawang ito.

Read more...