Excited na sina Nadine Lustre at James Reid ng makatrabaho sina Coco Martin at Vice Ganda. Kasama sila ng MMFF entry ng dalawa na “Beauty And The Bestie” ng Viva Films at Star Cinema.
“First time kasi namin mag-MMFF so hindi pa namin alam kung ano yung feeling pero super excited ako. Pero before nakatrabaho ko na si Vice sa ‘Petrang Kabayo’. This is a comedy naman,” sey ni Nadine.
At siyempre, looking forward din ang JaDine na makasama sa isang pelikula ang Teleserye King na si Coco.
“Actually unang-una ka-ming nagkausap sa London sa after party nu’ng ASAP. Tapos sa Showtime, nagbibigay siya ng mga tips sa amin. Super bait ni kuya Coco. At saka he’s excited for us. Isang beses pa lang ako nakapag-shoot tapos with James and Marco (Masa) at saka si Alonzo (Muhlach) so hindi ko pa nakakasama sina Vice and kuya Coco,” aniya pa.
Nag-react naman si James sa sinabi ni Coco na nakiusap ito na huwag na silang gawing magkapatid sa movie dahil ayaw niyang mag-nosebleed kapag magkaeksena sila. Kilala kasing Inglisero si James tulad na lang ng karakter niya sa seryeng On the Wings of Love.
Sey ni James, “Siguro mas kumportable lang siya kay Nadine kasi ma-Tagalog. Ako yung nag-adjust para sa kanya. When I’m around him as much as possible nagta-Tagalog ako. I’m excited to work with Coco Martin. Ang bait niya.”
Speaking of OTWOL, asahan daw na mas marami pang kilig moments na mapapanood ang viewers lalo na nga-yong nasa Pilipinas na ang mga karakter nilang sina Leah at Clark. Gagawin ni Clark ang lahat para maging close sa pa-milya ni Leah.
Kuwento nga ni James, ang pinaka-memorable na eksena raw na ginawa niya sa bagong season ng OTWOL ay nang malasing siya habang nakikipag-inuman sa tatay ni Leah (Joel Torre) at sa mga kapitbahay nila, “I think this time around, the joke’s on Clark. The first time Leah had a hard time adjusting pero ngayon nililigawan ni Clark si tatang niya.
“Si tatang Sol he’s palabiro so he’s always messing with Clark. It’s really funny,” sey pa ni James.
Ayon naman kay Nadine, super happy sila ni James at ang buong staff ng OTWOL dahil extended hanggang February, 2016 ang kanilang serye.