Duterte mayor pa rin ang target

DAVAO CITY—Naghain na ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Mayor Rodrigo Duterte para sa kanyang muling pagtakbo bilang alkalde ng siyudad Huwebes ng hapon.

Ang executive assistant ni Duterte na si Christopher “Bong” Go ang siyang nagsumite ng kanyang COC sa Commission on Election (Comelec).

Suot ni Go ang puting t-shirt na may naka-print na “No is No” sa harap at “Sinabi ko ng ayoko, ang titigas ng ulo nyo” sa likod nang magtungo ito sa Comelec.

Bago ito ay iginiit Go na hindi na talaga tatakbong pangulo kanyang amo sa kabila naman ng pagpapakalbo ng kanyang anak na si dating Davao City mayor Sara Duterte. Ilang mga tagasuporta ni Duerte ang umaasa at naghihintay pa rin sa Comelec sa Intramuros, sa pagsusumite niya ng COC bilang pangulo.

Read more...