Sarah Lahbati todo drama sa MMK

sarah lahbati

MAPAPANOOD sa unang pagkakataon si Sarah Lahbati sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado sa kanyang natatanging pagganap sa buhay ng “Bituing Walang Ningning: The Musical” star na si Monica Sacay.

Unang nakilala bilang Star Power grand finalist, ganap ng bituin noon si Monica nang biglang nawala ang kislap niya sa mundo ng showbiz.

Bata pa lang ay mahilig ng kumanta si Monica. Kasama ang kanyang inang si Myrna (Aiko Melendez), sabay silang kumakanta sa mga burol, birthday parties at iba pa.

Walong taong gulang lang siya noon nang pumanaw ang kanyang ina dahil sa cervical cancer kaya naman napunta siya sa pangangalaga ng kanyang tita Ethel (Francine Prieto).

Habang nagdadalaga ay tumulong siya na tustusan ang kanyang pag-aaral sa pama-magitan ng paglalako ng puto at ice candy. Kinakantahan niya pa noon ang mga customer para lang makabenta.

Taong 2010 nang makumbinse siya ng kanyang tita na sumali sa talent search ng ABS-CBN na Star Power kung saan tinanghal siyang 2nd runner up. Ngunit hindi naging madali sa kanya ang showbiz at agad ding lumamlam ang career nito.

Magdedesisyon siyang bumalik sa dating buhay hanggang isang araw, muling kakatok ang bagong oportunidad na magpapabalik ng ningning sa kanyang pagi-ging bituin.

Tampok din sa MMK episode sina Yesha Camille, Simon Ibarra, Mara Lopez, Jacob Dionisio, Kyle Secades, Katya Santos, Kyline Alcantara, Margo Midwinter, Mikee Agustin, Chienna Filomeno at Jong Cuenco, sa direksyon ni Raz Dela Torre, at sa panulat ni Ruel Montanez.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Ma-lou Santos. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag #MMKKontesera.

Read more...