Michael Pangilinan bibigyan ng Gintong Kabataan Award for Arts

michael pangilinan

NAKAKATUWA naman ang blessings na dumarating sa buhay at karera ng young singing heartthrob nating si Michael Pangilinan dahil maliban sa pagkapili sa kaniya ng Star Cinema to sing the official theme song ng Liza Soberano-Enrique Gil movie na “E-veryday I Love You” (the song It Might Be You) ay gagawaran ito ngayon ng Gintong Kabataan Award for Arts ng city government ng Bulacan.

Ito’y dahil na rin sa pagi-ging mahusay na mang-aawit at pagiging good example sa mga kabataan in line with arts. Taga-Bulacan ang mother ni Michael na si Mommy Precy Sunga – tubong-Pulilan kaya that makes Michael a Bulakenyo.

“May nomination iyan amongst the executive committee ng Bulacan. Then masusi nilang pinag-aaralan kung sino sa tingin nila ang karapat-dapat na recipient every year and this time they unanimously chose Michael as Ginatong Kabataan Awardee for Arts this year.

In fairness naman kay Michael, he truly deserves this honors na igagawad sa kaniya ng Bulacan today,” ani Tito Rene Villanueva, ang Tourism Director ng Guiguinto, Bulacan.

Bukod kay Michael, ang isa pa naming anak-anakang si Nikko Seagal Natividad (Gandang Lalaki grand winner ng It’s Showtime last 2014) ay tatanggap naman ng citation for Gintong Kabataan Awards today na gaganapin sa Hiyas Auditorium sa Malolos, Bulacan.

Nakapagbigay kasi siya ng honors sa Bulacan when he bested thousand of hopefuls sa last year’s Gandang Lalaki contest ng Showtime. His humble beginnings inspired him to work harder and better.

Maprinsipyong bata kasi itong si Nikko and very hardworking indeed! Sa dalawa nating babies, congrats ha. Pareho pa pala kayong mga Bulakenyo kaya pareho kayong mababait.

Sana tuloy-tuloy na ang respective careers ninyo – Michael as a singer and Nikko as an actor. Walang conflict, di ba? Ha-hahaha! Samantala, patuloy n’yong tutukan ang mas umiigting pang labanan sa reality talent show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar kung saan isa sa mga celebrity contenders si Michael.

Isa pa rin ito sa mga most watched TV show ngayon kaya maligaya ang lahat ng taong involved dito. Tuwing Linggo ay lagi itong inaabangan ng milyun-milyong manonood para matunghayan ang performance ng bawat contender.

Bukod kay Michael, kasama rin sa YFSF sina KZ Tandingan, Kakai Bautista, Denise Laurel, Myrtle Sarrossa, Eric Nicolas, Kean Cipriano at Sam Concepcion.

Read more...