ITINAKDA na ng Court of Tax Appeals (CTA) ang presentasyon ng mga ebidensiya kaugnay ng petisyon ni Dionisia Pacquiao na mas kilala bilang Mommy Dionisia, matapos niyang kuwestiyunin ang tax assessment ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Region 18.
Binigyan ng BIR Region 18 second division si Mommy Dionisia at ang BIR ng 30 araw para makapag sumite ng Joint Stipulation of Facts and Issues (JSFI).
Sa ilalim ng JSFI, magsusumite ang mga partido ng kani-kanilang ebidensiya.
Magsisimula ang presentasyon ng mga ebidensiya sa Nobyembre 9, 2015.
Nagsimula ang imbestigasyon kaugnay ng tax liability ni Mommy Dionisia noong 2013 sa kasagsagan naman ng P2.2 bilyong tax case laban sa kanyang anak na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao.
Naghain din si Pacquiao at asawang si Jinky ng petisyon para repasuhin ang kaso noong Hulyo 2013.