Gulo sa NBP na hindi nabalita

STRIKE One laban sa Binay political dynasty.

Sinipa sa kanyang puwesto at diniskwalipika ng Office of the Ombudsman si Makati Mayor Junjun Binay na humawak ng ano mang puwesto sa gobiyerno habang siya’y nabubuhay.

Si Ombudsman Conchita Carpio Morales ang nagbigay ng order matapos ang masusing imbestigasyon.

Kasama ni Binay ang 19 iba pang opisyal na dinismis dahil sa “serious dishonesty” sa pagpapatayo ng 11-story parking building.

Ang gusali, na nagkakahalaga ng P2.28 billion, ay i-tinuturing na pinakamahal na parking building sa buong bansa.

Ang pagkakadismis ni Mayor Binay ay umpisa na sa pagwawakas ng political dynasty ng pamilya Binay sa Makati City.

Ang mga Binay ang pinakamakapangyarihang pamilya sa buong bansa base sa mga puwesto na hinahawakan nila ngayon: Si Jojo, na ama ng tahanan, ay Vice President; ang anak na babae na si Nancy ay senadora; isa pang anak na babae, si Abigail, ay congresswoman; si Junjun, kung hindi pa siya naalis sa puwesto, ay mayor; at si Dra. Elenita, ang ina ng tahanan, ay dating Makati mayor.

Matapos ang dagok sa pamilya Binay dahil sa pagkakasipa ni Junjun bilang mayor, may mga dagok pa na darating sa mga Binay.

Si Vice President Jojo ay nahaharap ng kasong plunder dahil sa mga kasong graft laban sa kanya bilang mayor ng Makati.

Kung hindi siya masasampahan ng kaso sa dara-ting na mga linggo o buwan, tiyak na sasampahan siya pagkatapos ng eleksiyon kapag siya’y naging ordinar-yong mamamayan na.

(Ito’y kapag ang mga botante, na alam na ang mga kaso sa kanya, ay tatanggihan na siya sa halalan)

Kahit na nadismis na siya ng Ombudsman, nahaharap pa rin si Junjun ng kasong plunder sa Sandiganbayan.

Si Dra. Elenita Binay ay nililitis sa kasong graft ng Sandiganbayan na napakatagal magdesisyon sa kanyang kaso.

Inabutan din ng karma ang mga Binay dahil sa kanilang diumano’y ginawang paglalapastangan sa bayan ng Makati.

Karma is the universal law of cause and effect. Kung ano ang iyong tinanim, siya mo ring aanihin.

Ang batas ng karma ay hindi nagmimintis sa pagbibigay ng parusa o gantimpala.

Mukhang nabaon ang report na standoff sa New Bilibid Prisons (NBP) sa pagitan ng mga preso at guwardiya kamakailan.

Parang pinatay ng Bureau of Corrrections (BuCor) at Department of Justice ang istorya.

Sinabi ng aking mga sources sa NBP na nagsimula nang ang isang convicted drug lord na lider na ng Commando Gang ay ililipat sa ibang building sa maximum security compound.

Hinarang ng kanyang mga kakosa ang mga guwardiya na magi-escort sa drug lord sa ibang building at doon nag-umpisa ang standoff.

Nagkaroon ng negosa-syon ng ilang oras bago pumayag ang Commando Gang na ilipat ang kanilang bosyo sa ibang gusali.

Pero kasama sa negosasyon na huwag halungkatin ang kanilang mga selda na pinaniniwalaan na puno ng mga baril—may M-16 pa nga raw—at iba pang gamit gaya ng bullet-proof vests.

Sampal ito sa bagong hepe ng BuCor na si retired Army Lt. Gen. Rainier Cruz.

Si Cruz, sabi ng aking mga sources, ay ander de saya dahil kahit saan ito magpunta sa NBP compound nakasunod daw ang asawa.

Hindi sana nangyari ang ganoong insidente kung ang inapoint ay si Juanito Leopando, isang retiradong prisons superintendent, sa halip na isang Army general na walang alam sa pagpa-patakbo ng bilangguan.

Nasagasaan ni Julian Villegas, deputy chief ng Land Transportation Office (LTO) sa Las Pinas district office, si Demetrio Furio Jr., sa highway ng Barangay Salawag, Dasmarinas, Cavite.

Namatay si Furio sa aksidente.

Nangako si Villegas na tutulong siya sa pagpapali-bing at sa funeral expenses ni Furio.

Hanggang ngayon ay di pa tinutupad ni Villegas ang kanyang pangako.

Read more...