Jackpot sa Ultra Lotto 6/58 aabot na sa P250M

lotto for site
Inaasahang aabot sa P250 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola nito sa Biyernes.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nanalo ng P243.1 milyong jackpot prize sa bola noong Linggo.
Lumabas ang mga numero 38-10-42-13-25-46. Nanalo naman ng tig-P130,420 ang 12 mananaya na nakalimang numero. Tig-P1,580 mananaya naman ang 792 mananaya na naka-apat na numero.
Balik-taya (P20) naman ang 18,635 mananaya na nakatatlong numero. Ang Ultra lotto ay binobola tuwing Biyernes at Linggo.
Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.

Read more...