Makakatuluyan ba ang Americanong ka-chat mate?

Sulat mula kay Joanne ng Aquino Avenue,  Butuan City
Dear Sir Greenfield,

May ka chat mate ako at bale boyfriend ko na siya pero hindi pa kami nagkikita, almost two years na kasi ang relasyon namin sa internet lang. Nagkikita lang kami sa Skype pero halos araw-araw naman at gabi-gabi. Siya ay isang Amerikano na sabi nya ay divorce na daw siya sa kanyang asawa. May pangako siya sa akin na sa susunod na taong 2016 by month of January daw or February ay magbabakasyon siya sa ating bansa upang magkita kami at para pakasalan ako. Gusto ko sanang malaman kung matutupad kaya ang pangako niyang ito? Compatible ba kami at siya na ba ang lalaking makakasama ko habambuhay at may chance kaya na makarating ako sa U.S. at doon na manirahan? May 13, 1989 ang birthday ko at January 7, 1972 naman ang birthday ng Amerikanong boyfriend ko?

Umaasa,
Joanne ng
Butuan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansin ang malawak at malinaw na Travel Line sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin malaki ang pag-asang ang kasalukuyan mo na ngang boyfriend ang iyong makakatuluyan at matapos na kayo ay makasal sobrang laki rin tsansa na sa U.S. ka na tuluyang mabubuntis, magkakaanak, magkapamilya at manirahan.

Cartomancy:
Two of Hearts, Seven of Diamonds at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung 26 na ang edad mo sa kasalukuyan, pagtuntong mo ng edad 27 tuloy-tuloy ng gaganda ang iyong kapalaran. Ito rin ay nagpapatunay na hindi sa January o February 2016, makakapunta sa Pilipinas ang BF mong Americano, bagkus ito ay magaganap, sa ika-27 birthday mo sa taon ding ito, sa buwan ng Mayo o kaya’y Hunyo o kaya’y mismong araw ng birthday mo siya darating upang makikipagkita sa iyo ng personal.

Itutuloy….

Read more...