Huling bilin ni Elizabeth Ramsey: Walang iiyak pag namatay ako!

elizabeth ramsey

ILANG araw lang ibinurol ang mahal nating Queen of Rock ‘N Roll and Queen of Sto. Niños na si Mama Elizabeth Ramsey sa St. Peter’s Chapels sa Commonwealth, Quezon City and ngayong umaga na siya iki-cremate sa St. Peter’s Chapels Quezon Avenue, Q.C. naman.

Hopefully ay masilip ko ang cremation ni Mama Beth though I may opt na lisanin ang mismong oras while the process is done dahil hindi ganoon kadaling damhin ang pagsunog ng mga labi ng isang mahal na kaibigan at nanay-nanayan.

Na-experience ko na iyan – nu’ng i-cremate ang kaibigan naming si Tito Ernie Enrile at nang i-cremate ang mga labi ng mga kapatid nating sina Ate Honey and Kuya Rollie Noriega.

Dumating noong Sabado ng gabi ang kaisa-isang anak na lalaki ni Mama Beth na si Isaac while her other daughter na si Susan arrived naman yesterday morning.

Si Jaya lang kasi ang nandito sa bansa at siya ang personal na nag-asikaso sa burol ng mahal nilang ina. Dinamayan siya ng pinsan niyang si Edwina who has been Mama Beth’s constant companion for years here in the Philippines.

“Wala na si Mama. She’s in good hands now,” ani Jaya nang dalawin namin ng alaga kong si Michael Pangilinan si Mama Beth the other night sa St. Peter’s.

“Tingnan mo ang face ni Mama – she’s very beautiful. Ako ang nag-ayos ng make-up niya kanina. Ni-retouch ko and bagay sa kaniya ang ayos niya,” ani Jaya.

“Pinasuotan namin siya ng glittered na damit to symbolize her being the Queen of Rock ‘N Roll. Ganda, di ba?” ani Edwina naman na pigil sa pag-iyak dahil mahigpit na ipinagbilin daw ni Mama Beth na walang iiyak sakaling pumanaw siya.

“Gusto niya kasi masaya lang ang kapaligiran,” ang medyo humihikbing sambit ni Edwina habang kayakap ko nu’ng mga sandaling iyon.

Habang naglalamay kami, sunod-sunod ang pagtugtog ng mga songs ni Mama Beth sa loob ng chapel. Masayang-masaya ang boses ni Mama Beth with her song “Razzle-Dazzle” na madalas niyang kantahin tuwing naggi-guest siya sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM.

She’s our favorite guest, if I may say. Nakakaloka nga ang i-pinakita naming clip of one of our interviews sa kanya last Friday sa “Mismo” – I asked her in that interview that in the event that she goes, ano ang gusto niyang ilagay o isulat kumbaga sa kaniyang epitaph – at sabi niya, aside from being Queen of Rock ‘N Roll, gusto niyang lagyan ng MAMA BETH, QUEEN OF STO. NIÑOS.

Kaya nang dumalaw ako sa wake niya, ibinulong ko ito kay Jaya at nangiti lang siya sa gitna ng kabisihan sa pag-istima ng bawat bisitang dumating.

“Wala kasi kaming lote dito sa Maynila eh, kaya iki-cremate na lang muna namin si Mama Beth. Doon muna ang urn niya kay Jaya and baka iuwi na lang sa probinsiya one day.

Isa na lang ang natitira sa kanilang magkakapatid, si Tito Boy,” ani Edwina. “The last man standing na lang ako. Malungkot sobra pero ganoon talaga – nauna lang siya sa akin,” ani Tito Boy na galing pang Cebu.

Maraming napasayang mga kababayan natin si Mama Beth since the time she joined showbiz in 1958. Ganoon na katagal ang presensiya niya sa industriyang ito – nagsimula siya when she won sa isang singing contest sa dating noontime show na Student Canteen.

Sabi nga ng iba, malaking bonus na ang 83 years of happy life for Mama Beth in this industry. Kaya until the time of her death, she was very happy. Nasa personality niya talaga ang pagiging masayahin.

She lived a full life anyway. – and has always been content with everything though in her entire life as a showbiz icon, she never had a house of her own.

Hindi siya nakabili ng sarili niyang bahay dahil what she earned in the past ay walang puknat naman niyang ibinuhay sa kaniyang buong pamilya. Pero she never had regrets dahil naging maganda naman ang kinalabasan ng mga naitulong niya sa mga ito.

Marami ang nakapagtapos at marami ang naying successful sa kanilang mga propesyon. For now, paalam muna Mama Beth. Hanggang sa muli nating pagkikita. Huwag kang mag-alala, you will always be in our hearts.

Read more...