Paolo Ballesteros biniyayaan ng milagrosong kamay

paolo balesteros

Napaka-resourceful ni Paolo Ballesteros. Mahal na mahal niya ang kanyang trabaho, hindi siya napapagod magsaliksik ng mga paraan para mapaunlad pa ang kanyang propesyon, nag-aaral ang magaling na ko-medyante-TV host.

Palibhasa’y apo siya ng pambansang alagad ng sining na si Fernando Amorsolo ng sining na biswal, biniyayaan din si Paolo ng mga kamay na mapagmilagro, tulad ng ginagawa niyang make-up transformation na plakadung-plakado ang mga ginagaya niyang banyagang peso-nalidad.

At nu’ng nakaraang Sabado ay minsan pang pinatunayan ni Paolo Ballesteros na hindi siya natutuyuan ng mga ideya sa mga sinasalihan niyang labanan.

Ang ginawa niyang pag-a-acrobat sa ere nang walang harness ay hindi simple, kahit mga propesyonal na sirkero ay nagsisiguro, pero buung-buo ang loob ni Paolo habang nagpe-perform sa entablado ng Eat Bulaga.

Siya ang unang nag-perform, siya ang nagbukas sa labanan, du’n pa lang ay sinabi na agad ng manonood na wala nang aagaw pa sa kanya ng kampeonato.

Hindi lang siya basta nagsirku-sirko, hindi napabayaan ni Paolo ang kanyang galaw, kumikilos siya ayon sa tugtog at tiyempo. “Nakaka-proud si Paolo. Buwis-buhay ang ginawa niya.

Sa suot pa lang niya, e, alam mo nang pinaghandaan niya ang contest. Ang make-up niya, grabe, hindi mo siya makikilala,” papuri ng kaibigan naming tahimik niyang tagahanga.

Napakalayo na nga ng narating ng aming kababayan, si Lola Tidora, ang bonggang lola ni Yaya Dub.

Read more...