Ikalawang kasal nina Heart at Chiz sa bahay lang gagawin

heart evangelista

TULOY na tuloy na ang ikalawang pagpapakasal nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero sa Feb. 15, 2016. Napagdesisyunan ng mag-asawa na magkaroon ng “renewal of vows” matapos ang pagbabati ng senador at ng mga magulang ng kanyang misis.

Ayon kay Heart, ngayon pa lang ay pinaplano na nila ito ni Chiz, ngunit nilinaw niya na hindi naman ito magiging bonggang-bongga. Simpleng selebrasyon lang daw ang magaganap.

Sabi naman ni Chiz sa isang panayam, “It’s not a second wedding talaga. Renewal lang kasi noong una namin, wala iyong mga magulang niya (Heart) so gagawin sa bahay lang. Hindi naman ito iyong kasal talaga.”

“Gusto lang namin mayroon kaming picture na kasama iyong magulang niya, iyon lang. Gusto ni Heart kumpleto iyong kaniyang pamilya,” dagdag pa ng senador.

Labis naman ang pasasalamat ni Chiz sa suportang ibinigay ng pamilya ng aktres sa pagtakbo niya bilang bise presidente ng bansa. Dumalo talaga ang ina ni Heart nang magdeklara ang senador ng kanyang kandidatura noong nakaraang buwan.

“Yes, and I thank them. I thank them for their support, for believing in me. Malaking bagay iyon sa akin and higit pa, mala-king bagay kay Heart iyon dahil nabunutan siya ng napakalaking tinik,” sabi ni Chiz patungkol sa naunang hindi nila pagkakaintindihan ng kaniyang mga biyenan.

Hindi naman nakadalo ang daddy ni Heart dahil nagpapaga-ling ito noon sa isang karamdaman.
Noong Sabado naman, isang mahabang birthday message ang ipinost ni Heart para kay Chiz who turned 45 last Saturday.

Aniya, “Grateful everyday to be dreaming with my eyes wide open.” “I married the man who loves me unconditionally and without limits. Today, as you ce-lebrate your birthday, I just want you to know that I am so blessed to be with you and to be married to you.”

“I used to only admire you from a distance but when I got to know the real you, I never imagined a person could have such a big heart! Thank you for inspiring me everyday and thank you for making me a better person.

I love you for your kindness and waking up next to you surely feels like a fairytale come true!” “I wish you all the amazing things life can offer and may God guide you continually and provide you the strength and courage in your everyday life.

I love you my hero, my angel on earth, my dearest husband. Happy happy birthday to you.”

Read more...