Senatorial slate ng LP ilalabas na bukas

aquino-roxas-660x371
Ngayong araw iaanunsyo ng Liberal Party ang bubuo sa kanilang senatorial slate para sa 2016 elections.
Sa ipinadalang advisory ni Babes Suva, media officer ng administration candidate na si Mar Roxas, alas-10 ng umaga gagawin ang announcement.
Gaganapin ito sa Balay, Quezon City na siyang headquarters ng LP.
Inaasahan ang pagdalo sa pagtitipon na tinawag na ‘Ang Koalisyon ng Daang Matuwid’ ni Pangulong Aquino.
Noong Biyernes ay nanumpa na si Justice Sec. Leila de Lima bilang miyembro ng LP at inaasahan na ang pagkakasali sa kanya sa senatorial lineup.
Inaasahan din ang sa slate sina Senate President Franklin Drilon, Sen. Ralph Recto, dating Sen. Kiko Pangilinan, at Technical Education and Skills Development Authority director general Joel Villanueva.

Read more...