P43.4M jackpot sa Lotto 6/42 nasungkit ng isang tumaya sa Taguig City

lotto for site
Isa ang mag-uuwi ng P43.4 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola noong Sabado ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa Taguig City. Siya ang nag-iisang tumaya sa mga numerong 18-1-41-15-40-16.
Ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet Fort Bonifacio. Siya ay tumaya ng System 9 o siyam na numero ang kanilang pinili.
Nanalo naman ng tig-P20,950 ang 45 mananaya na nakakuha ng limang numero.
Tig-P710 naman ang 1,050 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik-taya (P20) naman ang 18,443 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...