Cristine buong araw umiyak nang yayaing magpakasal ni Ali Khatibi

cristine reyes

TULOY na tuloy na ang kasal nina Cristine Reyes at Ali Khatibi bago matapos ang taon. Ayon sa dating sexy actress, naayos na nila ang mga papeles na kakailanganin sa kanilang wedding.

“Yes, we’re planning this year, late this year. Na-process na siya. Actually, malapit na. May date na rin. This December,” ayon kay Cristine sa isang panayam. Kinumpirma rin niya na isa si Kris Aquino sa magiging ninang nila ni Ali.

Sa interview naman ng Tonight With Boy Abunda kina Cristine at Ali, sinabi ng dalawa na napakalaki ng pagbabagong idinulot ng kanilang anak na si Amara sa kanilang buhay.

Sinabi pa nitong talagang naiyak siya noong una niyang masilayan ang kanyang baby. Kahit daw si Ali ay hindi napigilan ang maluha nang makita for the first time ang anak.

“Sobrang happiness tapos ‘yung iyak, parang finally she’s out, nakikita ko na siya,” sey pa ni Cristine.
Ikinuwento rin ni Ali kung paano nangyari ang proposal niya kay Cristine sa isang hotel, “Parang we were just talking.

Parang spur of the moment lang po talaga but it was very personal, very intimate. It was just the both of us. I didn’t even have the ring with me that time so talagang we’re just really bonding.”

Singit naman ng Kapamilya actress, “Tuwang tuwa ako na nag-sink in talaga siya sa ’kin the next day morning hanggang gabi yata umiiyak ako.” Ibinalita rin ni Cristine na tapos na silang sumailalim sa counseling para sa preparasyon at guidance sa nalalapit nilang kasal.

Samantala, dahil nga sa magbabalik-showbiz na rin si Cristine via her new teleserye na Tubig At Langis, natanong ni Boy Abunda si Ali kung papayagan pa niya ang future wife na magpaseksi?

“That’s entirely her choice po if she wants to do it or (not)… Kasi I don’t want to be the one na parang dictating. That’s really her call po,” tugon ng mixed martial arts fighter.

Kahit daw si Cristine ay desidido nang iwasan ang gumanap sa mga sexy project, “I’m very vocal naman po, even before na parang I’m not really comfortable anymore doing what I do before.”

Bukod sa bagong serye ni Cristine kung saan makakasama niya si Zanjoe Marudo, tinatapos din niya ang kanyang comeback movie na “Lumayo Ka Man Sa Akin by Bob Ong”, isang trilogy, “Sobrang comedy ‘to. Partner ko dito si Jayson Gainza and si Paolo Ballesteros.”

Read more...