NAG-BACKOUT na nga ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa movie niya with Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.
Hindi naman nagulat ang marami sa naging desisyon ni Kris dahil weeks before ipalabas ang last movie niya na “Etiquette For Mistresses” ay may mga senyales na tila ‘di na feel ng TV host-actress ang proyekto with Mayor Herbert.
Sakto naman at nakasalubong namin ang bunsong anak ni Mayor Herbert at isa sa member of the cast ng Goin’ Bulilit na si Harvey Bautista sa entrance ng ELJ Building ng ABS-CBN last Thursday. Patungo ng Baguio si Harvey kasama ang iba pang child stars ng Goin Bulilit.
Sa Baguio sila magti-taping para sa Halloween episiode ng programa. Kasama ni Harvey na umakyat ng Baguio ang kanyang ina na si Tates Gana na kumpirmado na ang pagtakbo bilang Konsehal sa Quezon City.
Sabi ni Tates sa amin, early this year pa lang daw ay nagsimula na siyang umikot sa Kyusi especially sa distritong kanyang nasasakupan. True naman dahil noong February pa lang ay personal na nakita namin ang mga pagbati ni Tates ng Happy Valentine sa nakakalat na tarpaulin sa may bandang Commonwealth.
At kahit naman busy si Tates, kapag may personal na “pangangailangan” sa kanya si Harvey at panganay nila ni Mayor Herbert na si Athena, nandiyan siya palagi. Pero mabuti na lang din at malalaki na ang mga bagets kaya hindi na masyadong asikasuhin.
This is the reason kung bakit nagdesisyon siya na ituloy na ang matagal na niyang plano na pasukin ang public service gaya ni Mayor Herbert. Nakatakda raw mag-file ng kanyang candidacy si Tates bilang Konsehal ng Kyusi sa Oct. 14.
Nakalimutan naman daw niyang itanong kung kailan naman magpa-file ng kanyang candidacy para sa ikatlong term niya bilang Mayor ng Kyusi si Bistek.
Biniro nga namin si Tates na bakit hindi pa Vice-Mayor ang takbuhin niya para back-to-back na sila ni Mayor Herbert. Natawa lang si Tates sa sinabi namin.
But actually, nasabi rin namin ‘yan kay Harvey at pagkatamis-tamis na ngiti at pagtango naman ang sagot niya sa amin. Parang kung i-interpret ang matamis niyang ngiti at pagtango, “Okey po ‘yun” at “sana nga po” ang sasabihin ni Harvey sa amin.
Nabanggit din namin kay Tates ang pagback-out ni Kris sa movie nila ni Mayor Herbert. Gaya ng iba, nanghinayang din si Tates na ‘di matutuloy ang movie nina Kris at Mayor Herbert. Pero wala naman daw magagawa dahil na kay Kris ang desisyon.
Speaking of Quezon City, capping this year’s Quezon City Jubilee anniversary celebration ay ang QC International Pink Film Festival, the country’s largest LGBT film festival.
Nagsanib-pwersa rito ang mga filmmakers and artists who made the event possible through the initiative of the Quezon City Pride Council in partnership with the QC government under Mayor Herbert.
Ginaganap ang Pink Film Festival sa Gateway Cinema sa Araneta Center sa Cubao. Nagsimula ito noong Oct. 6 at tatagal hanggang ngayong araw, sa Cinema 1 kung saan ang formal opening ceremony ay dinaluhan ng piling-piling local and foreign movie stars, film producers, directors, local officials and dignitaries.
Ilan sa mga pelikulang tampok sa Pink filmfest ay ang nanalo sa Berlin Film Festival TEDDY Awards, a competiton for LGBT films worldwide. Kasama rin dito ang “El Honbre Nuevo” na nanalo sa Best Documentary Award which is a film about a Sandinista child soldier in Nicaragua na magta-transform as transgender woman.
Special Jury Award winner,“Stories of Our Lives” from Kenya will be shown together with films from USA, Taiwan, Kenya, Israel, Honduras, Spain, Hollanad among others. Habang ang TEDDY Best Film winner, “Nasty Baby” (USA) will be shown as the closing film today.
Tulad ng promise ni Festival Director Nick Deocampo, isang powerhouse lineup ang nasaksihan ng publiko for this year. The QC International Pink Film Festival is part of the public education campaign of the Quezon City Pride Council on gender awareness.