Assumera pala itong si Maine Mendoza or Yaya Dub. When she watched a concert recently, she felt siguro na pagkakaguluhan siya kaya naman todo make-up siya ng medyo maitim na color.
Nagsalamin pa siya para maging mahusay ang kanyang pagdi-disguise. She felt siguro na dudumugin siya sa concert kaya naman she decided to do a make-up na pang-negra.
Bakit, ang feeling ba ni Maine ay baduy at very masa ang crowd ng concert na kanyang pinanood? Pinaniwala ba siya na pagkakaguluhan siya kaya naman iniba ang kanyang hitsura through make-up?
Naku, Maine, ‘wag kang masyadong assumera. Hindi porke’t sikat ka na ay carry mo nang mag-feeling superstar. Na-underestimate yata ni Maine ang concert crowd.
She felt that her bakya crowd, her masa fans will mob her like what they did to Alden Richards in one noontime episode. Maine, ‘wag kang masyadong bilib sa ‘yong sarili.
‘Wag mong isa-puso, isa-isip, isa-diwa ang kasikatan mo dahil napuputol din ‘yan sa TAMANG PANAHON.‘Wag kang mangarap nang dilat. Matulog ka muna!
In stark contrast, Angelica Jane Yap, also known as Pastillas Girl, went to the concert simply dressed up, hindi nagbalat-kayo. She was with some of her suitors that evening.
Simple lang si Angelica, walang kaere-ere, hindi feeling sikat kahit na popular na siya and one of the most recognizable faces on television today. All she wants is to watch the concert and she went without any fanfare.
Ang simple lang ng ayos niya, parang ordinary fan lang siya ng grupong nag-perform. Chill lang siya while watching the concert. Hindi pumasok sa isip niya na sikat na sikat na siya kaya kailangan niyang maging incognito while watching the concert.
Iyon ang pagkakaiba nila ni Yaya Dub. Mas totoong tao si Angelica Jane, mas natural ang inaarte nito at walang halong kaplastikan.