DFA official, ayaw tawaging ‘manong’

ANG mga New People’s Army (NPA) at mga rebeldeng Moro ay bababa sa kabundukan upang makipag-usap ng katahimikan sa gobyerno kapag si Davao City Ma-yor Rody Duterte ang nahalal na Pangulo.

Si Duterte ay palaging nakikipag-usap sa mga rebeldeng NPA at mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) kaya’t hindi sila ginagalaw kapag sila’y nag-R&R o rest and recreation sa lungsod.

Dahil sa matagal niyang pakikitungo sa mga rebelde, alam ni Duterte ang kanilang mga problema at paano nag-umpisa ang mga problemang ito na nauwi sa rebelyon.

Wala ni isa sa mga declared presidential candidates—dating Interior Secretary Mar Roxas, Sen. Grace Poe at Vice President Jojo Binay—ang nakapagsabi kung ano ang kanilang gagawin sa insurgency problem kapag sila’y nahalal na Pangulo.

Yung mga pulis na nakauniporme na na-ngungulangot at nagkakamot ng kanilang mga bayag sa publiko o nagti-text habang naka-duty, lagot kayo!

Nanawagan sa taumbayan si Deputy Director General Mar Garbo, deputy chief for administration ng Philippine National Police (PNP), na ipadala sa kanya ang mga video o litrato ng mga unipormadong pulis na nahuhuli nila sa di kata-ngi-tanging gawain sa pamamagitan ng camera sa kanilang mga cellphone.

Kung di ninyo alam kung paano ipadala ang video o litrato kay He-neral Garbo, maaari nin-yong ipadala sa Facebook page ng Isumbong mo kay Tulfo (official) o sa aming email address isumbongmokaytulfo2015@gmail.com.

Ang mga litrato o video ay ipadadala namin sa opisina ni Garbo sa Camp Crame.

Ang uniporme ng mga pulis na dark striped blue shirt sa itaas ng dark blue pants at collared T-shirt na may markang “Pulis” sa likod ay hindi attractive sa mata.

Walang dating ang uniporme ng PNP.

Ang uniform T-shirt ay pang-outdoors lang at sinusuot ito ng mga pulis sa America na nakasakay sa bisekleta at nagpapatrolya; hindi dapat ito sinusuot sa opisina o presinto.

Bakit di na lang ibalik ng liderato ng PNP ang uniform na khaki na kagalang-galang tingnan?

Ang disiplina ng mga miyembro ng isang uniformed organization, gaya ng Army o PNP, ay nakikita sa suot nilang uniporme.

Ayaw ni Orontes Castro, executive director ng fiscal management services ng Department of Foreign Affairs, na tawagin siyang “manong.”

Dahil sa pagtawag sa kanya ng “manong,” pinalo ni Castro ng iron bar ng kanyang kotse si Shirley Bautista, 54 anyos, at kanyang anak na si Marie Catherina, 26, sa drive-through ng Jollibee restaurant sa Molino Blvd., Bacoor, Cavite.

Tinutulungan namin sa “Isumbong mo kay Tulfo” ang mga Bautista sa pagsasampa ng criminal at administrative ca-ses kay Castro.

Si Castro ay dating deputy consul general ng ating bansa sa California.

Nagalit daw si Castro nang lapitan siya sa kanyang kotse ni Marie Catherina at sinabi sa kanya, “Manong, iusug-usog ninyo ang inyong kotse upang makapagpuwesto kami.”

“Huwag mo akong tawaging manong dahil ako’y ambassador,” ang sagot daw ni Castro at sabay daw itong lumabas ng kotse hawak ang pamalo na hinataw sa kanilang mag-ina.

Mukhang ayaw ni Castro, na halata raw na isang bading, na tawagin siyang “manong.”

Baka natuwa pa siya kung tinawag siyang “manang” o “ate” ni Marie Catherina.

Read more...