Alden kay Yaya: Hindi ako sanay, sobrang nakaka-miss!

yaya dub

Ngayong araw na magaganap ang Bulaga Pa More, Dabarkads Pa More showdown sa Eat Bulaga kung saan isa sa mga magpapakitang-gilas ay si Yaya Dub (Maine Mendoza).

Makakalaban niya rito sina Ruby Rodriguez, Paolo Ballesteros, Ryzza Mae Dizon at Patricia. Kaya asahan ang pagbabalik ni Yaya sa studio ng Eat Bulaga ngayong tanghali at abangan kung ano ang inihanda niyang pasabog this time.

Samantala, sa pagpapatuloy ng kalyeserye kahapon, naka-disguise na dumating sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo).

Ito raw ang paraan nila para pagtaguan ang tunay na ina ni Yaya Dub na si Isadora, na hanggang ngayon ay hindi pa rin humaharap sa camera. Pati si Yaya Dub ay nag-disguise rin dahil ayaw din niyang mawalay sa mga lola.

Nagkaroon pa nga ng iyakan portion nu’ng Miyerkules dahil nalaman na nga ang pagbabalik ni Isadora para kunin si Yaya Dub. Pinag-practice naman si Yaya Dub para sa darating na showdown mamaya sa Bulaga Pa More.

Nag-drums ang dalaga at inaral ang mga dance moves na itinuro ni Lola Nidora at ang pag-akyat sa hagdan habang sumasayaw ni Lola Tinidora. Binigyan din ng voice lessons ni Lola Tidora si Yaya.

At habang nag pa-practice si Yaya Dub ay may ipinapakitang likuran ng isang babae na tila si-nisilip siya. Pero bago pa ito ma-kababa sa sinasakyan niya ay bigla nang tinapos ang episode ng kalyeserye.

Nalalapit na ba ang reunion ng mag-ina at ang muling pagtatagpo ng mga magkakapatid?
Kahapon naman, nagpalitan ng kanilang mensahe sa Twitter sina Alden Richards at Maine.

Dito nila ipinahayag kung gaano na nila ka-miss ang isa’t isa dahil ilang araw na rin silang hindi nagkikita sa kalyeserye.

Nagkaroon kasi ng out-of-town shows si Alden nitong mga nakaraang araw at nasa Japan naman siya ngayong weekend. Sa tweet ni Maine, sinabi nitong matatagalan bago siya masanay nang wala si Alden.

Sey naman ng Pambansang Bae, “Hindi ako sanay. Sobrang nakaka-miss. Hintayin mo ako ha!?”

Read more...