MARAMING naloloka sa political career ng boksingerong si Manny Pacquiao – feeling daw ng mga people in the know ay ginagawa lang laro ni Pacman ang Philippine politics.
Imagine, sa loob ng buong taon bilang kongresista ay apat na beses lang pala itong nakadalo sa sessions nila sa Congress. Kakakoka, di ba? Katwiran niya, busy siya sa training niya sa boxing at ibang mahahalagang lakad kaya hindi siya nakakadalo ng sesyon pero tumutulong naman daw siya sa kaniyang constituents sa iba’t ibang paraan.
Sariling pera raw niya ang ginagastos niya compared to the so many corrupt public officials daw.
Wait lang. Hindi naman tama iyan. Ang pagpasok sa pulitika ay isang sagradong obligasyon sa iyong nasasakupan at sa batas ng pamahalaan.
Ibinoto ka ng mga tao thinking na ikaw ang mag-represent sa kanila sa Kongreso. Hindi ito malaking bo-xing rink na puwede mong isugal ang sarili manalo o matalo. Let’s talk metaphors – kumbaga sa isang estudyante, kahit gaano ka katalino sa klase ay hindi ka puwedeng ipasa ng teacher mo pag puro absent ka.
You still have to be physically present sa classroom mo. Kahit ikaw pa ang pinakamagaling na doktor kung hindi ka naman napagkikita sa hospital na pinaglilingkuran mo ay sisibakin ka talaga.
Kahit napakahusay mong piloto kung hindi ka naman nakakapagpalipad sa takdang oras ay makakasuhan ko o di kaya’y matatanggal. It’s not suffice to say na nakakatulong ka naman sa iyong mga nasasakupan using your own money.
Hindi ganoon iyon. Tungkulin mong pa-ngalagaan ang bawat panga-ngailangan nila. You have to supervise yourself. Bakit? Yung pinapanalo mo bang pera sa boxing ay ibinibigay mo sa kanila nang buong-buo? Kakarampot lang naman ng kita mo ang sini-share mo i-pinagyabang mo pa.
Hindi porke malaki ang ibinabayad mong buwis sa BIR tuwing nananalo ka ay dapat absuwelto ka na. That’s a big NO. Obligasyon mo sa BIR ang magbayad ng karampatang buwis dahil kumikita ka ng sapat.
You don’t buy people – it’s your moral obligation na pagsilbihan sila. Huwag gamitan ng reverse psychology ang mga kababayan natin, huwag daanin sa simpatiya ang kaek-ekan mo, Pacman.
Kung hindi kaya ng schedules mo ang pagsilbi, don’t run in politics. We need people in the flesh – not their spirits. Nakakatawa dahil halata namang sinasamantala ni Pacquiao ang kahinaan ng mga botante, yung mga nasisilaw sa kasikatan niya.
He has been spoiled so much by this go-vernment. Dapat sinisibak siya – he must be expelled sa Congress dahil hindi nga siya nakakadalo. Hindi niya kayang magsilbi dahil sa kawalan niya ng oras – period. Ganoon lang kasimple iyon.
Tapos ngayon ay tatakbo siya bilang senador. Nandoon na tayo, dala ng kaniyang sobrang kasikatan, tiyak na ang pagkapanalo niya pero anong istorya na naman ang bitbit niya this time, na dadalo na siya sa mga sessions? That he will be better and more professional this time?
Anu-anong pambobola na naman kaya ang sasabihin niya para makuha niya ang mga botong ito? Ito namang mga kababayan natin, reklamo nang reklamo sa kahirapan ng mga buhay nila pero tuwing binibigyan naman ng pagkakataong makapamili ng mga taong magpapatakbo ng pamahalaaan, yung ibinoboto ay yung mga kasing-hina rin nila.
Kaya kung ganoon din lang naman, stop complaining. It’s your fault after all. Makamayan lang ni Pacman, parang hihimatayin na. Maabutan lang ng isanlibong piso, gagawin ng diyos ang nagbigay.
Pang-one day lang kasi ang relasyon nila sa buhay – hindi pang-long range. Wala talagang kadala-dala.
Sige kayo, kapag nanalo si Pacquiao as senator at wala na naman itong magawa ulit dahil busy sa boxing niya, walang sisihan ha.
Lalo lang natin ipinakitang totoong mahihina ang mga utak natin. Kayo rin, sino ba ang magsa-suffer kungdi tayong lahat din kasama ang mga anak natin. Hay naku, ang titigas ng ulo ng mga Pinoy talaga. Naka-kabuwisit, di ba?