Patay ang limang lalaki na pinaniniwalaang mga karnaper matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Quezon City kahapon ng umaga.
Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa batid ang pangalan ng mga nasawi na hindi nakuhanan ng identification card.
Ayon sa pulisya, sumakay ang tatlong lalaki sa ipinapasadang Karolick Taxi (UWV 489) ni Diosdado Oro, 58, alas-4:30 ng umaga malapit sa Jacliner Terminal sa Kamuning.
Nagpahatid ang mga suspek sa Xavier Ville pero pagdating sa Kamias Rd., at nagdeklara ng holdap ang mga ito. Iginapos ang driver at ibinaba sa Project 6. Iniulat niya sa pulisya ang pangyayari kaya ito ay naalarma.
Alas-6:55 ng umaga ay namataan ng Ant-Carnapping Unit ang isang itim sa Isuzu Sportivo habang binabagtas ang Commonwealth Ave. Walang plaka ang sasakyan at ang nakalagay ay ‘Lost Plate’ kaya sinundan nila ito.
Pagdating sa Litex Rd., ay napansin ng mga pulis na nasa unahan ng Sportivo ang ninakaw na taxi cab kaya nakipag-ugnayan na sila sa Special Traffic Action Group na nag-abang sa direksyong tinatahak ng mga suspek.
Nang parahin ng mga pulis ay nagpaputok umano ng barila ang mga suspek kaya gumanti ng putok ang mga ito.
Narekober sa mga suspek ang tatlong kalibre .38 revolver, at dalawang improvised submachine gun.
5 karnaper utas sa shootout
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...