OFW sinibak sa trabaho

BIGYANG daan po natin ang liham na ito mula sa OFW na nasa Saudi Arabia.

“Isa po akong OFW dito sa Riyadh, KSA. Sultan Al Fouzan ang company ko at Concept Placement Resources Inc. ang agency ko sa Manila.

Tulungan po ninyo ako, ma’am. Tinerminate po ako ng amo ko at dalawang buwan na po akong walang trabaho. Humingi na po ako ng tulong sa agency pero mabagal po ang proseso nila.” – Rico Punzalan

Narito po ang ating naging tugon: Rico, kailangan kang magtungo sa ating Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh, KSA at makipag-ugnayan kay Labor Attache Adam Musa upang alamin ang dahilan ng inyong termination. Dito naman sa Pilipinas, nakikipag-ugnayan ang Bantay OCW sa tanggapan ni POEA Administrator Hans Leo Cacdac upang papanagutin ang inyong ahensiya na magpadala ng inyong plane ticket pauwi ng Pilipinas at sisingilin din natin sa kanila ang hindi mo natanggap na suweldo pati na rin ang unexpired portion ng inyong contract para sa iyong money claim.

Handa naman si Atty. Elvin Villanueva, ang a-ting kaagapay sa mga problemang legal, upang matulungan ka.

REGULAR na reader ng Inquirer Bandera si Christina Rosales ng Brgy. Cogon, Gubat, Sorsogon City. Isang run-away sa Jeddah, K.S.A. ang mister niyang si Jesus Fresia Rosales, ayon kanyang text message na ipinadala sa Bantay OCW.

Tinawagan namin si Christina on-the-air sa Radyo Inquirer. Sinabi niyang umalis si mister noong Enero 21, 2013 patungong Yanbu. Siyam na buwan itong hindi pinasahod ng kanyang employer at di pa pinakakain nang sapat.

Dahil dito ay tumakas si Jesus, kasama ang kaibigan at nagtungo sa Jeddah upang humanap ng panibagong trabaho. Humingi naman ng tulong si Christina sa OWWA-Bicol at maging dito sa Maynila.

Nang makausap naman niya ang asawa sa Jeddah, pinayuhan anya siya ng kausap sa konsulado na tumakas upang makasuhan ang amo nito.

At nang makatakas, tanong naman sa kanya, bakit siya tumakas? Bukod dito, si-nabihan na imbes na amo ang makasuhan ay baka siya na OFW ang kasuhan.

Hayun, naguluhan ang a-ting kababayan.

Ipinaalam ni Christina ang nangyari sa lokal na ahensyang nagpaalis sa kaniyang mister. Ito ang International Resources Development Services Agency. Naka-text at nakausap mismo ni Christina ang staff nitong si Edwin Escudero.

Pero sa halip na pakinggan ang kaniyang reklamo, pinagmumura umano siya ni Escu-dero.

Binastos pa ito at sinabing “L” lang daw ang nararamdaman kaya’t gustong mapauwi ang mister. At marami pa siyang bastos na sinabi.

Nabatid natin na personal driver pala itong ng isa sa mga may-ari ng ahensiya na na si Juno Reduca. Si Escudero ang nag-refer kay Jesus sa kanilang agency.

Sabihin pang siya ang nagrekomenda kay Jesus, wala itong karapatang bastusin ang maybahay ng ating OFW.

Nangako naman ang kanilang recruitment officer na si Bing Gomba, na aaksyunan ang pambabastos ng walang-modong driver.

Read more...