MGA bulag at bingi ang mga opisyal sa pamahalaan, sa pangunguna ni Pangulong Aquino, ang mga nanunungkulan sa kanya at ang tumatakbong pangulo. Ayon kay Freddie Aguilar: “Hindi nalalayo sa iyo ang buhay sa mundo. Marami sa amin, nabubuhay ng tulad mo. Di makita, di marinig, minsa’y nauutal, patungo sa hinahangad na buhay na banal.” Ganito ang mga opisyal natin sa harap ng mga bagay na ayaw nilang tanggapin.
Iyan ang Pagninilay at homilia sa Ebanghelyo (Bar 4:5-12; 27-29; Lc 10:17-24; Slm 69:33-35; 36-37) sa ika 26-na linggo sa karaniwang panahon, sa Tugunang: Dinirinig ng Maykapal ang mga may kailangan. Sa araw-araw na pagninilay, nakalilimutan na ang kalagayan ng dukha. Ipinaghehele siya sa mga pangako ng basahang politiko; at malinis na di kalaunan ay magiging basahan na rin. Bulag sila sa dusa ng tuwid na daan at dilat sa kapaligirang hindi tunay.
Eh ano ngayon kung lahat ng Bicolano ay tumakbong reserbang gulong, o ikalawang pangulo? Matagal na sa politika ang mga Bicolano pero, hayun, lugmok pa rin sa kahirapan ang mga bayan at siyudad nila. Higit sa lahat, ang rehiyon ay pugad ng NPA (New People’s Army). Kapag naroroon ang NPA, ang mga komunista (matagal nang laos ito sa mundo), naroroon ang dugyot at lugmok na pamumuhay, lalo na sa mga sulok ng Catanduanes.
Mas unang kinilala ng kalakalang pandaigdigang ang Bicol dahil sa produktong abaka, na lubid ng mga galyon, barko, kasko at industriya. Mula Mexico hanggang Holandes, dinarayo ang Bicol para lamang makapag-imbak sila ng abaka, na hindi lamang lubid ang nagiging produkto, kundi alpombrang mas pino pa sa Iran. Noong sikat ang Bicol ay hindi pa pinapansin ang Cebu, hanggang sa naiwan na ng siglu-siglo ang Bicol nina Escudero, Robredo, Honasan, at maging si Cayetano, dahil sa kanyang asawa.
Sobra na ang kabastusan ng Liberal Party. Ang sayaw na makamundong pagtatalik ay walang basbas ng Diyos. Ang pagtatalik ay sagrado sa Panginoon, na kanyang nilikha para sa mag-asawa, babae at lalaki. Hindi nilikha ng panginoon ang makamundong pagtatalik (perversion), na isinalin pa sa sayaw; at ayon sa emcee ay dinala raw ni Francis Tolentino sa Santa Cruz (sagisag ni Hesu-Kristo), Laguna.
Hindi katanggap-tanggap ang paumanhin ni Tolentino sa malaswang sayaw, na sana’y isinama na rin niya ang mga apo’t pamilya niya para mapanood. Mas nakagagalit nang sabihin niyang u-nawain na lang daw siya. Punyet* (ni Heneral Luna), paano uunawain ang kabastusan ng LP nina BS Aquino at Mar Roxas? Labag ang kabastusan sa katinuan (Tino pa ang gustong itawag ni Tolentino sa kanya).
Tatakbo raw pagka-pangulo si Digong Duterte. Yehey. Matutuloy na rin ang solusyon sa lumalalang krimen. Na lulutasin ng krimen din. Pabor ako basta ang pa-patayin ay mga gago at halang. Tatlong buwan pagkatapos ideklara ang martial law noong 1972, walang naitalang krimen na pang-tabloid. Noong Enero 1973, napatay ng mga pulis ni Alfredo Lim ang umano’y rapist nang mang-agaw ito ng baril (ng mga pulis ni Lakay) sa ilalim ng Jones Bridge. Simula noon, ang mga rapist sa Tondo ay lumayas sa Maynila.
Kung kayo’y taga Davao City, ipatrabaho na ninyo sa death squad ang may-ari ng cellphone number na ito, 0935-1499796. Manloloko yan. Heto ang text niya: “Ma nadisgrasya kami naki-text lang ako kasi lowbatt cp ko, Papunta kami ospital. Ma please, paloadan mo itong number na ito 09305828351 ng 300 Smart kasi meron kaming tatawagan importante. Please talaga, wait ako.”
MULA sa bayan (0916-5401958) : Marumi na naman ang mga kubeta sa Camp Crame at walang H20. Ningas-kugon ang utos ni Director General. …5789
Si Enrile ay matanda. Pero hindi siya senior citizen. Kinontra niya ang P2,000 umento para sa SSS retirees. Magsama kayo ni donkey. …1615