Sulat mula kay Laarnie ng San Pedro, Alegria, Surigao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Magto-twenty-five years old na ako sa dara-ting na November 7 pero until now hindi pa rin ako nakakaranas magkaroon ng boyfriend. May mga manliligaw naman ako, kaya lang hindi ko sila masyadong gusto at iyong iba naman na gusto ko sana, hindi naman seryosong nanliligaw. Sa totoo lang kung minsan ay hindi maiwasang mainggit ako sa mga kaibigan ko na may kanya-kanya ng nobyo habang ako naman until now ay loveless pa rin. Ito ang dahilan Sir Greenfield kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, u-pang itanong kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend at sana bago sumapit ang Christmas ngayong 2015 magka-boyfriend na rin ako para maging masaya naman ang Pasko ko.
Umaasa,
Laarnie ng Surigao del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Unti-unting lumapit ang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa Heart Line (1-1 arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa malapit na hinaharap, hindi matatapos ang taong ito ng 2015, saktong-sakto matutupad ang iyong hiling – magkaka-boyfriend ka na rin sa wakas bago sumapit ang pasko.
Cartomancy:
Ang pag-aanalisang matutupad na ang i-yong hiling na magka-boyfriend sa taon ding ito ng 2015 ay madali namang kinumpirma at pinatunayan ng “wish card” na Nine of Hearts, kung saan, ang Eight of Hearts at Jack of Clubs naman ang nagsasabing sa buwan darating sa Nobiyembre, matutupad ang iyong pa-ngarap at hilinbg na mag karooon ng boyfriend, hatid ng isang lalaking halos kasing edad mo rin.
Itutuloy….