Kasi naman, bakit n’yo pinakikialaman ang mga personal na bagay-bagay ng isang tao?
Bakit hindi n’yo na lang kasi pakialaman ang mga sarili ninyong mga buhay. Hala kayo!
In fairness kay Piolo, never itong pumalag sa tinagal-tagal nang panahon.
Hindi niya inalintana o pinansin man lang ang mga naglalabasang intriga regarding his alleged kabadingan.
He just kept mum about it for the longest time – deadma to the max siya.
Pero bakit ngayon ay bigla na siyang pumalag?
Probably because it was too much – yung nahamon na ang pagkalalaki niya.
Karapatan naman niyang depensahan ang kanyang sarili sa mga bastos na netizens natin, ‘no! Anong pakialam nila sa pagkatao ng isang artista?
Bakit ba sila apektado? Inaano ba sila?
Sila ba ang bumubuhay sa mga ito, lalo na itong isang follower niya sa Twitter?
How can that person prove that Piolo is gay? Why? Has he gone to bed with them?
Ginalaw ba siya ni Piolo para makumpirma ang tunay niyang kasarian?
Kung hindi naman pala sila magkakilala, the nerve para manghimasok sa personal na buhay ng tao.
Nakarinig lang ng tsismis, inako nang parang may alam din siya.
Kaya hayun ang napala niya – hinamon siya ni Papa P ng suntukan. Buti nga sa ‘yo.
Why nga ba? Is being gay a crime punishable by law? Is it something equivalent to a massacre?
Is it an illness na dapat pandirihan?
Kung makapagsalita naman kasi ang ilan tungkol sa kasarian namin, wari mo’y wala kaming karapatang mabuhay sa mundo – that we must not be part of their society.
Hoy! For the information of many, why don’t you look around, almost all of us has a gay member in the family.
Kung hindi man kapatid mo, tiyuhin mo, pamangkin mo, lolo at lola mo, mga pinsan mo, huwag na kayong lumayo pa.
Huwag nga kayong parang kung sino riyan.
Walang basagan ng trip. Wala kayong paki.
Kaya naunawaan namin si Papa P kung finally ay napikon siya.
Just for the sake of argument, ano naman sa inyo kung bading si Piolo, aber?
Sa inyo ba siya nanghihingi ng pambayad niya sa lalaki?
Nakabawas ba sa pagkatao ninyo ang kasarian niya? How stupid naman you can be!
Hindi lang naman si Piolo ang natsismis na bading, ‘no! Kulang na nga lang ay pagdudahan din ang kasarian ni Magellan kaya hindi na bago sa amin iyan.
Kaya lang siguro pumalag na si Piolo ay dahil sobra na.
O, bakit hindi ka lumabas sa lungga mo at tanggapin ang hamon ni Piolo?
Baka ikaw ang bading! Baka hindi ka marunong manuntok, baka hanggang kuro’t at sabunot ka lang! Ha-hahaha!
But wait, for me being GAY is beautiful, ha. Reminder lang po sa marami riyan.
Kasi yung iba ay parang naiilang pa sa kanilang kasarian.
I’m not referring to Piolo ha – ‘yung tayo – ‘yung mga kalahi natin, di ba naman?
Masarap maging bading. Masakit lang pag iniwanan ng dyowa.
Kaya ako? I try not to fall in love so much na, sobrang sakit.
Hanggang ngayon nga, affected ako, e. Di pa rin ako maka-move on.
Bakit ganoon? Babae ba ako? Ha-hahaha!