Singil sa kuryente ngayong Oktubre bababa–Meralco

Meralco

Meralco


INIHAYAG ng Manila Electric Co. (Meralco) na bababa ang singil sa kuryente ngayong Oktubre ng 13 sentimo kada kilowatt hour (kWh) kumpara noong nakaraang buwan.
Mangangahulugan ito ng P26 na kabawasan sa mga kumukonsumo ng 200 kWh.
Idinagdag ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na ang ang rolbak ay bunsod na rin ng mas mababang generation charge.

Aabot sa P8.42 kada kWh ang generation charge mas mamababa kumpara sa P8.55 kada kWh noong Setyembre.

“This is the sixth straight month that the overall rates declined,” dagdag ni Zaldarriaga.

Read more...