San Beda pasok sa NCAA Final Four

NCAA / October 06,2015 Jomari Sollano of Letran and San Beda's Ola Adeogun goes for the losse ball , at the San Juan arena  INQUIRER PHOTO/AUGUST DELA CRUZ

Mga Laro sa Biernes
(The Arena, San Juan)
12 nn. San Sebastian vs JRU
2 p.m. EAC vs Mapua
4 p.m. Perpetual Help vs  Letran
Team Standings: San Beda (13-5); Letran (12-5); Arellano (12-6); Perpetual Help (11-6); JRU (11-6); Mapua (11-6); San Sebastian (6-11); St. Benilde (5-13); LPU (4-14); EAC (2-15)
BINIGO ng San Beda Red Lions ang Letran Knights kahapon, 77-73, sa The Arena, San Juan para makasiguro ng puwesto sa Final Four 91st NCAA men’s basketball tournament.
Ito ang ika-13 panalo ng Red Lions sa 18 laro na naglagay sa koponan sa unang puwesto habang nahulog sa No. 2 spot ang Letran sa 12-5 baraha.
Ito ang ika-10 diretsong season na nakarating sa semifinal round ang San Beda, na nakakuha rin ng twice-to-beat advantage sa Final Four.
Nagsanib sa 31 puntos at 34 rebounds ang mga pambato ng Red Lions na sina Artur dela Cruz at mga Nigerians na sina Ola Adeogun and Donald Tankoua para pamunuan ang San Beda.
Tumulong din si Amiel Soberano na umiskor ng 11 puntos mula sa bench.
Kailangan ng Letran na maipanalo ang huling laban nito kontra Perpetual Help Altas para makaiwas sa masalimuot na komplikasyon sakaling magtabla-tabla ang apat na koponan sa pangalawang puwesto.
Ang Letran ay may 12-5 baraha habang nakabuntot naman dito ang Perpetual Help (11-6), Arellano University (12-6) at Mapua (11-6).
Samantala, sumandig ang Arellano Chiefs sa triple-double ni Jio Jalalon (31 puntos, 10 rebounds, 10 assists) para daigin ang Emilio Aguinaldo College, 98-90. —Mike Lee

Read more...