Chopper ng negosyante ayaw pang isoli ni presidential bet

UMORDER ng isang Augusta Helicopter na nagkakahalaga ng $10 milyon ang isang bilyonaryong negosyante para gamitin sa kanyang “business hopping.”
Ipinahiram kasi niya ang luma niyang chopper sa isang presidential aspirant na noon pa nagsimula sa pag-iikot sa ibat-ibang panig ng bansa.
Sinabi ng ating Cricket na mula nang ipahiram ng bilyonaryong negosyante ang kanyang helicopter ay hindi na ito isinauli ni Mr. Politician.
Dahil alam naman niyang sulit ang kanyang pagtaya sa naturang pulitiko kaya okay lang na hindi muna niya bawiin ang nasabing chopper.
Malaki kasi ang kumpyansa ng Business Tycoon na sa hinaba-haba man ng prusisyon ay ma-nanalo rin ang kanyang manok kahit na hindi kagandahan sa ngayon ang rehistro nito sa mga surveys.
Kinumpirma ng ating Cricket na takot ma-kidnap ang ating bida kaya siya nag-iinvest sa mga choppers.
Pakiramdam niya ay napaka-vulnerable niya sa mga kriminal kapag siya’y nakasakay kahit na sa kanyang mga Bulletproof na Sports Utility Vehicle (SUV).
Ayaw niyang maranasan ang sinapit ng isa ring bilyonaryong negosyante na dinukot ng ilang mga armadong kalalakihan maraming taon na ang nakalilipas.
Noong dekada 80 ay pinag-aral niya sa abroad ang lahat ng kanyang mga anak dahil sa matinding takot sa mga kidnappers.
Dala niya hanggang sa kasalukuyan ang naturang phobia kaya kahit malaki ang gastos ay hindi niya ipagsasapalaran lalo na ang personal na kaligtasan.
Sinabi pa ng ating Cricket na dalawang presidential candidate ang posibleng suportahan ng negosyanteng ito dahil kailangan niyang bumawi sa pagkalugi ng ilan sa kanyang mge negosyo.
Ang Business Tycoon na bumili ng mamahalin at bagong Chopper para sa kanyang seguridad and for political purposes na rin ay si Mr. L…..as in Lugaw.

Read more...