Kulang pa ang kontribusyon

MA’AM good day sa inyo. Nais ko lang magtanong at malinawan tungkol aking SSS contributions. Ako po ay isang OFW, nag-volunteer na maghulog ng maximum contribution na P1,760 a month. Nais ko sanang bayaran lahat ang balance na four years. Kulang po kasi. 57 years old na ako now.
Tanong ko, ma’am, kailan ako mag-uumpisa na mag-pension? At what age ako mag-enjoy ng pension ko at magkano po ang pension per month kung sakali. Ito po pala SSS no. ko …5289-3. Maraming salamat ma’am.
Ginoong Rojard  Juvanes
REPLY: Ito ay tungkol sa queries ni G. Rojard Javanes tungkol sa paghuhulog ng kontribusyon sa SSS.
Nais naming ipabatid kay G. Javanes na i-pinagkakaloob ng SSS ang buwanang pensyon sa miyembrong umabot na ng 60 taong gulang, hindi na nagtatrabaho o hindi na self-employed at nakapaghulog ng 120 buwanang kontribusyon bago ang
pagreretiro gayundin sa miyembrong umabot na sa 65 taong gulang na nagtatrabaho pa o hindi na at nakapaghulog ng 120 buwanang kontribusyon bago ang pagreretiro.
Samantala, lump sum amount naman ang i-pinagkakaloob sa mga miyembro na kulang sa 120 buwanang kontribusyon ang hulog.
Batay sa aming rekord, si G. Javanes ay merong kabuuang 72 buwanang kontribusyon. Upang ma-ging kwalipikado sa buwanang pension, kinakailangan pa niyang maghulog ng 48 buwanang kontribusyon bago siya magretiro upang makumpleto ang 120 buwanang kontribusyon.
Kung hindi magkakaroon ng palya ang kanyang paghuhulog ng kontribu-syon buwan-buwan, makukumpleto niya ang 120 buwanang kontribusyon sa Pebrero 2019.
Samantala, maaari niyang isumite ang kanyang retirement claim application apat na buwan matapos niyang makumpleto ang 120 buwanang kontribusyon.
Ukol naman sa halaga ng kanyang pensyon, may dalawang halaga ng pen-syon na maaari niyang tanggapin batay sa halaga ng buwanang kontribusyon na patuloy niyang ihuhulog sa SSS.
Una, kung ipagpapatuloy niya ang paghuhulog ng P1,595 na buwanang kontribusyon, ang kanyang magiging pensyon ay P5,800 kada buwan. Ikalawa, kung ibabalik niya sa P1,760 ang kanyang kontribusyon, ang magi-ging pensyon naman niya ay P6,226.67.
Ipinaaalala rin namin kay G. Javanes na ang halaga ng buwanang pensyon na tatanggapin niya ay batay sa bilang ng buwanang kontribusyon, bilang ng taon na naghulog at halaga ng buwanang kontribusyon.
Iminumungkahi namin sa kanya na ipagpatuloy ang paghuhulog ng kontribusyon sa SSS hanggang makumpleto niya ang 120 buwanang kontribusyon. Maaari naman siyang maghulog sa alinmang awtorisadong collecting agents ng SSS sa ibang bansa o sa aming foreign branch sa bansang kinaroroonan niya.
Para sa kanyang kaalaman, walang retroactive payment sa paghuhulog ng mga kontribusyon ng mga voluntary at self-employed na miyembro ng SSS. Dahil dito, hindi na niya maaa-ring bayaran ang mga kontribusyon na hindi niya naihulog sa mga nakalipas na buwan at taon.
Para sa karagdagang katanungan ukol sa SSS, maaari siyang makipag-ugnayan sa SSS OFW-Contact Services Unit sa mga telepono bilang (632) 364,-7796 at 364-7798 o kaya ay tumawag sa trunkline number na (632) 920-6401 local 6358 at 6359, o kaya ay magpadala ng mensahe sa ofw.relations@sss.gov.ph.
Sana ay nabigyan po namin ng linaw ang inyong mga katanungan.
Salamat po.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL.  FRANCISCO
Social Security
Officer IV SSS

Read more...