Sa pagnenegosyo yayaman

Sulat mula kay Mar ng Bangkal, Sapian, Capiz
Dear Sir Greenfield,
Ako ay isang seaman pero sa ngayon ay balak ko ng huminto sa pagbabarko at magnegosyo na lang, kasi may konting ipon na akong puhunan. Mainam na magnegosyo dahil hindi na ako malalayo sa aking pamilya.
Naisipan kong sumangguni sa inyo u-pang alamin kung ano ba ang magandang negosyo para sa aming mag-asawa na magpapaunlad ng a-ming pamilya.
October 14, 1978 ang birthday ko habang ang misis ko naman ay isinilinang noong January 23, 1980. Sana mabigyan nyo kami ng magandang idea o gabay upang magtuloy-tuloy na ang pag-unlad at pag-asenso ng aming pamilya.
Umaasa,
Mar ng Sapian, Capiz
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Ayon sa guhit ng iyong palad kapwa naman kayo nagtataglay ng magandang Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa inyong palad ng misis mo. Ibig sabihin, tama ang plinaplano nyong mag-asawa, hindi sa muling pagba-barko uunlad ang inyong pamilya kundi sa pagnenegosyo.

Cartomancy:

Six of Diamonds, Ten of Diamonds at Ten of Hearts ang lumabas, (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing mga 6 hanggang 10 taon lang na pagnenegosyo, mabilis nyo ng mararamdaman ang pag-unlad at tuloy-tuloy na pag-asenso.
Itutuloy….

Read more...