Gerald ayaw nang patulan si Kim; wala nang oras sa babae

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

KIM CHIU AT GERALD ANDERSON

AYAW nang patulan ni Gerald Anderson ang naging rebelasyon ni Kim Chiu kamakailan tungkol sa panloloko ng kanyang ex-boyfriend.

Hindi man diretsong sinabi ng young actress ang pangalan ni Gerald na umano’y nangwasak ng kanyang puso noon, inamin naman nitong isa pa lang ang naging dyowa niya.

Sa isang panayam kay Gerald, natanong ito kung ano ang masasabi niya sa naging pahayag ni Kim, “No (ayaw ko nang mag-comment). Basta manood po kayo ng ‘Everyday I Love You’ and ‘Etiquette for Mistresses.’” Ang “Everyday I Love You” ang bagong movie ni Gerald kasama sina Liza Soberano at Enrique Gil, samantalang ang “Etiquette For Mistresses” naman ay pelikula ni Kim.

Sinabi ni Gerald na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nililigawan, “Hindi ko pa nga nakikita ‘yung bahay ko for the last two weeks. Anong oras ang maibibigay ko sa magiging girlfriend ko? Ayaw ko maging maging unfair sa kanya. I don’t want to go through something like that.”

Read more...