SPEAKING of Michael Pangilinan, nagulat siyang meron pa pala siyang gagawing isa pang musicale in the next months. Ha-hahaha! Honestly, pinilit ko lang siya to do “Kanser@35” nu’ng una dahil gusto kong ma-experience niya ang theater. I want to inculcate to him the kind of discipline na natutunan namin sa theater many years back.
As a manager kasi, naramdaman kong kailangan ni Michael ang ganitong uri ng palabas para lalong ma-tap ang kaniyang singing and acting talent. At nag-succeed nga kami ni Direk Frannie sa pagkumbinsi sa kaniya to try theater and in fairness, nag-enjoy si Michael working with all these theater stalwarts.
At heto na – kinausap kasi ako ni kaibigang Direk Joel Lamangan dahil balak pala nitong gawing musicale for the very first time ang dating box-office film na “Maynila Sa Kuko Ng Liwanag” na nag-launch kay Bembol Rocco to stardom many years ago and si Michael ang napipisil niyang gumanap sa papel ni Bembol.
“Ipahiram mo sa akin si Michael for that role ha,” lambing ni Direk Joel.
Siyempre, alam mo naman ako, dahil alam kong napakaganda ng materyal na ito for Michael at hindi kasing hirap for him dahil medyo pop ang dating nito kaya tumango ako agad. Nang sabihin ko kay Michael ito, ito lang ang nasabi niya, “May choice ba ako, ‘Nay? Ha-hahaha!”