Nais ng nakararaming Filipino na tutukan ng gobyerno ang isyu ng pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa at kontrolin ang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin, ayon sa survey ng Pulse Asia.
Sa tanong kung ano ang ‘tatlong isyung dapat aksyunan agad ng administrasyong Aquino’, nagsabi ang 47 porsyento na dapat ang tutukan ay ang pagpapatas ng sahod ng mga manggagawa.
Pumangalawa ang pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin (46 porsyento) at sumunod ang paglaban sa katiwalian (39 porsyento).
Sumunod naman ang paglikha ng maraming trabaho (37), pagbawas sa kahirapan (32), paglaban sa kriminalidad (20), pagpapalaganap ng kapayapaan (18), pagpapatupad ng batas (16), paglaban sa pag-abuso sa kalikasan (13).
Pagkontrol sa paglaki ng populasyon (11), pagtatanggol sa teritoryo ng bansa (7), pagpapalit ng Konstitusyon (4), paghahanda laban sa terorismo (3).
Ang survey ay ginawa mula Setyembre 8-14 at kinuha ang opinyon ng 2,400 respondents.
Taas sahod, baba presyo gusto ng Pinoy- Pulse Asia
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...