Alden naka-2 million followers na sa Twitter; Maine lumebel kina Katy Perry at Taylor Swift

alden richards

UMABOT na sa 2 million ang followers ni Alden Richards sa Twitter. Ito’y makalipas lang isang buwan at tatlong araw mula nang tumuntong ito sa 1 million mark noong Sept. 1.

Naging mabilis ang pagdami ng followers ng Kapuso matinee idol simula nang sumikat ang tambalan nila ni Maine Mendoza alyas Yaya Dub sa kalyeserye ng Eat Bulaga sa GMA 7.

Sa lumabas na report, nabatid na si Alden (@aldenrichards02) ay pumangalawa sa listahan ng fastest-growing Filipino celebrities profiles sa Twitter nitong mga nakalipas na buwan. Imagine, biglang nadagdagan ng 953,200 followers ang kanyang account in just a month.

Nananatili pa rin si Maine (@mainedcm) sa number one spot with additional 1,137,939 followers. Meron nang 1.89 million followers si Maine sa Twitter, at ine-expect ng kanyang mga tagahanga na sa mga susunod na araw ay maaabot na rin nito ang 2 million mark.

Samantala, hindi rin magpapatalbog ang ilan pang mga dabarkads ng Eat Bulaga dahil nasa Top 5 fastest-growing celebrities in the Philippines din ang dalawa pa nilang kasamahan sa noontime show.

Nasa ikatlong pwesto ang TV host-comedian na si Joey de Leon (@angpoetnyo) with additional 562,152 followers. Umabot na sa 964,000 ang total number of followers ng komedyante sa Twitter.

Panglima naman sa listahan si Paolo Ballesteros (@pochoy29) na nakakuha ng additional 313,502 followers. Nasa 692,000 na ngayon ang Twitter followers niya.

Ang Kapamilya comedian-TV host naman na si Vice Ganda (@vicegandaako) ang nasa 5th spot with additional 342,012 followers. Umabot na sa 6.03 million ang followers ni Vice sa Twitter.

Last week, nasa ikaapat na pwesto si Alden sa fastest-growing celebrities profiles sa Twitter worldwide. Kahanay ng Pambansang Bae sina Inci Sabanci (No. 1), ang singers na sina Katy Perry (No. 2) at Taylor Swift (No. 3), at ang TV host na si Ellen DeGeneres (No. 5).

Nauna rito, naging ganap na ring “verified accounts” ang Twitter accounts nina Alden at Yaya Dub dahil sa biglang pagdami ng kanilang followers at sa nilikha nilang kasaysayan sa social media matapos makakuha ng 25.6 million tweets ang isang episode ng kanilang kalyeserye.

Ayon sa Twitter Help Center, ang verification ng accounts ay upang matiyak na pagmamay-ari talaga ng isang mahalagang Twitter user o brand ang isang Twitter acount.

Malalaman na verified ang isang Twitter account kung may nakalagay na blue check mark sa tabi ng kanyang pangalan.

Nagpasalamat din sina Alden at Maine sa isang exe-cutive ng Twitter na pumuri sa kanilang pagiging “global phenomenon”, ito’y dahil nga sa 25.6 million tweets na nakuha ng hashtag #AlDubEBforLOVE noong Sept. 26.

Ayon kay Rishy Jaitly, vice president of Media, Asia Paci-fic and Middle East, Twitter: “Aldub is a global phenomenon on Twitter and shows how our platform as the social soundtrack to TV has really connected Filipinos who love a good love story.

“We can’t wait to see if the live, public Aldub conversation can set global records by uni-ting their passionate fans, the nation and the world on Twitter.”

Isa pang patunay na grabe na talaga ang kasikatan nina Alden at Maine ay ang sunud-sunod na paglabas ng kanilang mga endorsements.

Bukod pa riyan ang unang pagtatambal nila sa Metro Manila Film Festival 2015 entry na “My Bebe Love” kasama sina Vic Sotto at Ai Ai delas Alas.

Read more...