IN fairness, halos lahat ng pumasok sa Final 14 ng Starstruck Season 6 ng GMA 7 ay deserving manalo dahil bukod sa kanilang artistahin look ay punumpuno rin ng talent ang mga bagets.
Nagkaroon kami ng chance na makausap nang personal ang ilan sa kanila sa ginanap na Final 14 press presentation kamakailan, at na-impress naman kami sa kanilang wit and charm, lalo na kay Arya Mariano, na una na nating napanood sa isang TV ad ni Julia Montes.
Nagsampol pa nga siya during the presscon at nag-dialogue ng, “Sinabon ko naman…ayaw kuminis!!!”
Agaw-eksena rin si Kevin Sagra na game na game na nagpakita ng kanyang abs at muscles nang i-dare ng ilang members ng press. Naging instant hunk star tuloy ang bagets during the press presentation.
Anyway, narito ang naging sagot ng Starstruck Final 14 nang tanungin kung bakit sila sumali sa original reality artista search ng GMA at kung ano ang naging motivating factor nila para ibandera sa buong mundo ang kanilang mga hidden talent.
Analyn Barro, 18, Bacolod: “I knew that I should try out for Starstruck since it was my dream to be seen on television and maybe this could be the start of something new for me. I told myself ‘Waay man my madulasakon kung my try ko’ which means ‘walang mawawala sa akin kung susubukan ko.’
Being in StarStruck will definitely serve as a helping hand and a stepping stone for me in whatever career that God may give me in the future.”
Kevin Sagra, 20, South Cotabato: “Nagsusumikap ako to fulfill my dreams and to prove to others that dreams really do come true if you have the courage to pursue them.
Love ko talaga mag-perform and to entertain people. I also want to develop my talents. I want to inspire people that they shouldn’t give up on their dreams.”
Princess Guevarra,16, Cavite: “Merong mga moments na you’ll really feel intimidated by the other competitors. At paulit-ulit na ma-reject ’cause you’re not good enough. Sobrang daming rough roads but I’m willing to sacrifice and work hard to reach my dreams.”
Arra San Agustin, 20, Cavite: “I believe I will make it through StarStruck because I will do my best. I will exert extra effort so I can pursue this dream. I want to make my family and God proud. I thank the Lord for this chance to showcase my skills. I’m praying for the best in this journey.”
Joemarie Nielsen, 20, Tarlac: “I have been through a lot in my family life and I’d like to think that I’ve emerged strong and ready for life’s challenges. The problems in my past help me become a stronger person. Now, I want to work hard so I can pursue the things that I am passionate about.”
James Teng, 17, Bulacan: “Gusto kong makapasok sa StarStruck dahil alam ko na dito ko mauumpisahan ang pangarap ko na mabuo ang aking pamilya. Nais kong makasama ko man lang sa iisang bahay ang mama at papa ko, mga kapatid ko, at ang pamilyang nagpalaki sa ‘kin.”
Elyson de Dios, 16, Cebu: “Ang makasali sa Starstruck ay isa sa pinaka-memorable na pangyayari sa aking buhay. Gusto ko rin maging artista maliban sa maging basketball player. Nagpapasalamat ako dahil napaka-supportive ng family ko.
No matter what happens, I know na magiging worth it ang lahat sa huli. Nagpapasalamat din ako kay Lord sa napakalaking opportunity na makasali sa StartStruck.”
Jay Arcilla, 19, Laguna: “Kayang abutin ang pangarap basta laging maging masipag at determinado at huwag na huwag kalimutan na si God lang ang may alam kung ano ang dapat para sa akin kaya magtiwala lang sa kanya.”
Koreen Medina, 20, Laguna: “I know this will be a great opportunity and will open doors for me as long as I do my best in all aspects in this competition. I believe that I am in a place where I can develop my talents so I am praying and hoping that all my dreams will become a reality.”
Liezel Lopez, 17, Olongapo: “Nang malaman kong may auditions sa StarStruck, nagtatatalon ako dahil sabi ko baka ito na yung pagkakataon ko. Maraming mga pagsubok sa buhay pero hindi ako malungkot sa mga pinagdaanan ko kasi alam kong may mas nahihirapan pa sa buhay kaysa sa amin. Alam kong dapat maging matapang ako para sa mga mahal ko sa buhay.”
Ayra Mariano, 17, Bulacan: “Sobrang blessed ako at nagpapasalamat sa mga biyayang ipinagkaloob sa akin na nakapagbigay ligaya sa aking pamilya at good vibes sa ibang mga tao. I always believe that God has good, better and best plans for me.”
Klea Pineda, 16, Caloocan: “Napatunayan ko na wala talagang imposible sa mundo, basta’t andyan ang pamilya at mga nagmamahal sayo, manalig lamang sa Diyos at maniwala ng lubos lubos. Walang masamang mangarap ng mataas.”
Migo Adecer, 15, Mandaluyong: “Nu’ng nagka-opportunity akong mag-audition sa StarStruck, I grabbed it. Nu’ng una akala ko hindi ko kaya pero I surrounded myself with people who genuinely care about me at sila yung nag-encourage sa akin to give it a try.
I’m really thankful that I got in by God’s grace. Nag-promise ako that I will make my family proud at ibibigay ko ang best ko as a way of thanking the people na nag-encourage sa akin.”
Avery Paraiso, 20, Antipolo: “When I first heard about the new season of StarStruck coming out this year, I had to join. No one pushed me, forced me, or made me do it other than myself. This could be my big break, something that will push me to my limits. It’s been a long and amazing journey for me so far.”