Robredo iaanunsyong running mate ni Roxas

roxas-robredo-with-tria-tirona
Inaasahang iaanunsyo ngayong umaga ng Liberal Party na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na ang magiging running mate ng kanilang standard bearer na si Mar Roxas.
Ilalabas na rin ng LP ang listahan ng kanilang mga magiging kandidato sa pagkasenador sa pagpupulong na gagawin sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan.
“I think that is our agenda to proclaim her (Robredo) as our vice presidential candidate,” ani Speaker Feliciano Belmonte Jr., vice chairman ng LP.
Ganito rin ang sinabi ni YACAP Rep. Carol Jane Lopez at Laguna Rep. Dan Fernandez na parehong sumusuporta sa pagtakbo ni Roxas.
“I think that is the announcement that the LP will be making tomorrow,” ani Lopez.
Hindi tiyak pero ganito rin ang pakiramdam ni Quezon City Rep. Alfred Vargas at Iloilo Rep. Jerry Trenas na parehong miyembro ng LP.
“I have the good feeling that she will be Mar’s running mate. I hope Cong. Leni says yes to be our VP. This will be the true dream team for tuwid na daan and four our country,” dagdag pa ni Vargas.
Nauna ng sinabi ng LP na kasama sa kanilang senatorial lineup ang apat na kasalukuyang senador na sina Senate President Franklin Drilon, Sen. Ralph Recto, Sen. TG Guingona at dating Sen. Kiko Pangilinan.
30

Read more...