Hamon kina Alden at Maine: Turuan ng leksiyon ang AlDub fans

yaya dub pa

Madalas na sinasabi ng mga Aldub fans na may itinuturong magandang mensahe ang segment ng Aldub. But as it is, hindi maganda ang ipinapakita ng Aldub fans kapag may nasusulat na hindi maganda sa idols nila.

Kung i-bash nila ang mga writers pati na ang mga taga-It’s Showtime ay gano’n gano’n na lang, para bang wala silang pinag-aralan. Parang sila na lang lagi ang tama at ang kalaban nila ang laging mali.

Actually, merong tawag sa mga Aldub fans na asal aso ang gawi sa social media, Aldogs. Ang latest victim nila actually ay si Lea Salonga na binash nila nang kaliwa’t kanan nang mag-tweet ito about kababawan without naming AlDub.

Inakala ng Aldub fans na ang idols nila ang laman ng pasaring kaya naman binira nila ang world renowned singer ng batikos na kaliwa’t kanan na para bang napakalaki ng kasalanan nito.

Yes, maraming AlDub fans ang talagang salot kung mag-react at akala mo kung sino. Ang nakakaloka lang dito, hindi sila maawat nina Alden at Yaya Dub. Walang ginagawa ang dalawa para pigilan ang fans nila sa pamba-bash sa mga may ayaw sa dalawa.

Kalat na kalat na ang Aldogs sa social media. They bark loudly but sadly they don’t bite. Kaya sa mga askals sa social media, mag-behave naman kayo kasi nagre-reflect ang inaasal ninyo sa idols ninyo.

Naku, hindi ang Aldub ang be all and end all ng showbiz, ‘no! Huwag n’yo silang masyadong sambahin na parang mga diyos. Lilipas din ang mga iyan. Ang lahat naman ay nalalaos sa TAMANG PANAHON!

Read more...