Babalikan pa ba ng boyfriend?

Sulat mula kay Susan ng San Joaquin, Capoocan, Leyte
Dear Sir Greenfield,
Nanghihinayang ako sa relasyon namin ng naging boyfriend ko kasi mag dadalawang taon na sana kami sa darating na Christmas pero nagka-break kami nito lang August 13. Siya ay isang seaman noong nagkaka-chat pa kami at tumatawag sa akin, hanggang bandang huli ay nawala na ang communications namin. At nabalitaan kong umuwi na pala siya ng hindi man lang ipinapaalam sa akin. Kaya ang ginawa ko pinuntahan ko siya sa kanilang bahay para magkausap kami. Nagawa ko yon, ako na ng unang gumawa ng paraan para magkausap kami kasi mahal na mahal ko siya at bago siya sumampa sa barko ay may nangyari na sa amin. Siya po ang first boyfriend ko at gusto ko na sana siyang makatuluyan. Kaya lang ng pinuntahan ko nga sya sa kanilang bahay ang sabi nya sa akin ay “Sorry may iba na daw siyang GF!” ng marning ko yon parang pinagtakluban ng langit at lupa ang pakiramdam ko kaya nasampal ko siya at sabay alis ako na umiiyak na hindi man lang niya ako hinabol o inihatid sa sakayan ng dyip. Sa ganitong sitwasyon ng aming relasyon sa palagay mo Sir Greenfield magkakabalikan pa kaya kami? At kapag nagbalik siya kami na kaya ang magkakatuluyan at magka-compatible po ba kami? March 2, 1992 ang birthday ko at April 18, 1988 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaas,
Susan ng Capoocan, Leyte
Solusyon/Analysis
Palmistry:
Dalawa ang Marriage Line sa iyong palad, (Illustration 1. arrow 1. at arrow 2.). Isang mapangit o biyak na nauna (arrow 1.) at isang maganda at maayos, makapal at malinaw na ikalawa (arrow 2.). Ibig sabihin kung siya ang una mong BF malabo na kayong magkabalikan, dahil ang nakatakda mong mapapangasawa ay ang lalaking magiging ikalawa mong boyfriend nasa kasalukuyan ay papadating palang.
Cartomancy:
Habang ang mga barahang Two of Spades, Two of Hearts at Queen of Clubs (Illustration 1.) ay nagsasabing mabibigo ka muna sa unang pag-ibig upang sa ikalawang pakikipagrelasyon hatid ng isang lalaking may initial A. B. – sa piling niya makakamit mo na ang isang tapat at pang habang buhay na ligaya.
Itutuloy…..

Read more...