KINUMPIRMA ng singer na si Kean Cipriano ang relasyon niya sa Kapuso star na si Chynna Ortaleza sa Tonight With Boy Abunda. Diretsahang tinanong ni Kuya Boy si Kean kung girlfriend na niya si Chynna na agad namang sinagot nito ng “yes.”
Kitang-kita naman sa hitsura at galaw ng singer-actor na in love siya ngayon. Inspired daw siya at happy kapag kasama si Chynna. Hindi rin itinanggi ni Kean na napag-uusapan na nila ni Chynna ang tungkol sa kasal.
Hirit pa ni Kean kay Kuya Boy, Chynna is his future. Why not? Nasa tamang edad na sila pareho ni Chynna. Kean is already 28 at naka-10 years na siya sa showbiz. Enough na siguro ang savings niya to support a family of his own.
Isa si Kean sa mga celebrity contestants sa Your Face Sounds Familiar, siya ang nanalo last weekend. Kinopya niya si Da King Fernando Poe Jr. kung saan naging guest judge si Kuya Boy.
This week, tutukan kung si Kean pa rin ang tatanghaling winner sa next showdown. This time ang gagayahin naman niya ang international female rock singer na si Avril Lavigne.