Naging emosyonal kahapon ang broadcast journalist na si Bernadette Sembrano nang magpaalam siya sa kanyang Umagang Kay Ganda family.
Hindi na muna mapapanood si Bernadette sa morning show ng ABS-CBN dahil siya ang napiling pumalit pansamantala kay Korina Sanchez bilang news anchor ng TV Patrol kung saan makakasama niya sina Ted Failon at Noli de Castro.
“Mga Kapamilya, patuloy niyong panoorin ang mga kasama natin sa Umagang Kay Ganda’. I love you. Salamat po nang marami. Salamat po sa ABS-CBN,” say pa ni Bernadette Sembrano na talagang napaluha habang nagpapaalam sa mga Kapamilya viewers ng UKG.
MOST READ
LATEST STORIES